Kabanata 10

5.5K 283 62
                                    



Kabanata 10



"Ano pala ang sasabihin mo sa akin?" Curious kong tanong kay Gabriel. Nandito na kami sa tree house pero tahimik lang si Gabriel. Ano 'to shut up lang mga bes? "Señorito Gabriel?"


Napabuntong-hininga siya at may sinabi kaso hindi ko marinig.


"May problema ba Señorito?"


Umiling siya at ngumiti sa akin. Napangiti na rin ako. Nakakahawa talaga ang ngiti ng lalaking ito. "Paumanhin Señorita Keira ngunit nakalimutan ko na kung ano ang aking sasabihin."


Tinaasan ko siya ng kilay. Seriously? Nagka-amnesia kaagad siya? Akala ko sa mga Millennial lang nangyayari 'yun. "Alalahin mo, sayang 'yun baka importante pala ang sasabihin mo."


Umiling siya. "Wala lang naman iyon." He hold my hands kaya binawi ko iyon. Mamaya nandyan si Tiya Lucita baka ma-bash pa ako. "Señorita Keira."


"Hmn?"


"Simula sa araw na ito ay palagi na kitang pupuntahan dito." He smiled. "Pangako iyon. Ayoko na magtampo ka ulit sa akin."


Bigla kong tinakpan mukha ko. Geez! Namumula face ko. Ang sabi niya palagi na daw niya akong pupuntahan dito dahil ayaw niya na magtampo ako sa kanya. Kinikilig ako. Keira kalma!


"Ayos ka lang ba Señorita?"


Tumango ako sabay ngiti. "Pangako iyan Señorito Gabriel. Huwag mong babaliin ang pangako mo dahil kakarmahin ka."


Tumawa siya ng mahina. "Pangako iyon." Umayos siya ng upo at naging seryoso ang facial expression. "Nagkaroon ka na ba ng nobyo, Señorita Keira?"


Tumango ako. "Oo at lahat sila ay makisig."


"T-Talaga?"


"Oo siguro mahigit sa sampu."


Nanlaki ang mata ni Gabriel. "Mahigit sa sampu? Pa-paanong nangyari iyon?"


Nawala ang ngiti ko sa labi. Shoot! Hindi nga pala uso pa dito ang mga korean oppa. Tumawa ako. "Joke lang bes!" Then tumawa pa ako ng malakas.


"Jowk? Teka sagutin mo nga muna ang aking tanong, Señorita Keira."


"Ako'y nagbibiro lamang Señorito. Hindi pa ako nagkaroon ng nobyo. Manliligaw marami ngunit wala akong sinagot ng matamis na oo." Well that's true. Bakit ko naman sasagutin ng oo 'yung manliligaw ko kung hindi ko naman sila type eh di nakasakit pa ako ng feelings. Masabihan pa ako ng paasa o walang puso sa facebook. Isa akong dakilang NBSB na dyosa. Charot lang.


Huminga ng malalim si Gabriel sabay ngiti. "Mabuti naman kung ganun."


It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon