Kabanata 5
Napabuntong hininga ako. Sobra akong nababagot dito. I want to go back home. Doon ang buhay ko, not here. Bakit naman kasing walang mapagkakaabalahan dito? Ako lang at ang mga katulong nila ang nandito. Si Anastasia, mukhang nakipag-date dun kay Florentino. Si Gabriel naman ay hindi ko pa nakikita simula noong umuwi kami nung isang araw galing market.
Doon na nga lang ako sa salas nila. Doon maganda pa ang view sa bintana. I looked around nang nasa sala na ako. Wala ni isang maid doon in short lonely ako. Kuwawang dyosa naman ako. Nilibot ang paningin ko sa sala hanggang sa madako ang paningin ko sa isang grand piano. "Ay bongga! May piano nga pala dito. Naforgetsung ko." Lumapit ako sa grand piano at pumindot-pindot. Hay, di ko peg ang mag-piano.
Nanlaki ang mata ko nang mapansin ko ang nasa tabi ng piano. Tama ba ako ng nakikita ngayon? May gitara! I touch the guitar to sure na totoo iyon and its real! "Thank you God at binigyan mo ako ng magagawa!" I get the guitar at umupo ako sa upuan ng grand piano. I miss playing guitar. Nag-start ako maggitara and I don't know what song I'll gonna play. "Hmnn. Pangit naman kung english song ang kakantahin ko lalo naman kung korean song. Bahala na si Batman." I play guitar using the 4 basic chords which is G, A, E and D. Kung ano ano na lang din ang strumming ko.
"Mukhang ikaw ay marunong maggitara Binibining Keira."
"Aaaay! Ano ba? Bakit ka nanggugulat? Muntik na akong atakihin sa puso!" Inis kong sita kay Gabriel. Matapos niya mawala ng isa't kalahating araw, manggulat na lang siya.
"Pasensya na Binibining Keira kung ika'y aking nagulat, ngayon lang kasi may gumamit ng gitara ko na isang binibini."
"Pasensya na kung pinakialaman ko ang gitara mo. Apat na daang taon na nung huling hawak ko ng gitara."
Napakunotnoo ito. "Paanong nangyaring Apat na daang taon nang huling gamit mo ng gitara?"
"Ano ka ba? Bawasan mo ng tatlong daan at siyamnapu't anim ang Apat na daan, ilan na lang ang natira?" Ano ba 'yan? Napa-math ako ng Wala sa oras. O.A kasi ng four hundred years eh 4 days noong last na hawak ko ng guitar.
Napaisip ito sandali. "Iyan ay apat... Aaah. Apat na araw ang nagdaan nang huling gamit mo ng gitara." Natawa ito.
Ako naman, heto nagwawala ang puso then napangiti. Ang sarap naman pakinggan ng tawa niya. Nakakataba ng puso.
"Binibining Keira, maari ka bang umawit. Sa tingin ko'y magaling kang umawit dahil gumagamit ka ng gitara."
I nod. "Sige ba. Sigurado akong hahanga ka sa akin ng sobra sobra."
He chuckled. "Talaga."
Again, tumango ako. Super excited na ako kumanta. Mas malala 'to kaysa sa pagka-excite ko every gig namin. I start plucking on the guitar string.
"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay

BINABASA MO ANG
It Started At 7:45
Historical FictionBinigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam...