Kabanata 21

3.7K 188 24
                                    



Kabanata 21:



Napatingin ako kay Gabriel at sa lalaking yumakap sa akin. Naguluhan bigla ako sa kanila. "Magkakilala kayo?"


"Oo aking mahal. Siya ang aking kaibigan noong nag-aaral ako ng abogasya."


"Aking mahal? Anong mayroon dito, Luciana at Gabriel?"


"Luciana?" Naguguluhang tanong ko sa lalaki. Tinulungang ni Gabriel ang lalaking tumayo. Bigla kong naalala ang anak ni ina. Oo nga pala, pinsan kuno ko si Luciana. Medyo nakuha rin namin ang atensyon ng mga tao.


"Gabriel, Felix!"


May lumapit sa aming grupo ng mga lalaki. Mga anim na lalaki at bigla nagmistulang reunion ng isang barkada ang ganap ngayon. Bigla akong na-out of place kaya dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanila. Busy naman si Gabriel sa usapan nila. Ayoko naman masabihang KJ ng barkada niya. Mayamaya ay napatingin sa akin si Gabriel kaya hinila niya ako.


"Aking mga kaibigan, gusto kong ipakilala sa inyo ang aking mapapangasawa, si Señorita Keira." Sobrang lawak ng ngiti ni Gabriel. Dahil sa unexpected pagpapakilala sa akin ay pilit akong ngumiti. Lahat sila ay natulala sa akin at nakadama ako ng pagkailang.


Heto na naman ang ganyang uri ng tingin na akala mo'y nakakita ng multo sa harapan nila. "Hehe, oo kamukha ko na ang pinsan kong si Luciana." Lalo akong nailang nang nagsitanguhan sila at ang lalaking nabalibag ko kanina ay lalong sumeryoso ang mukha. Bakit ba kasi kamukha ko si Luciana?


"Hindi ka si Luciana?" Kunot noong tanong sa akin ng lalaking nagngangalang Felix.


Napatingin ako kay Gabriel while playing my finger. "Oo. Pinsan ko siya." Napangiwi pa ako nang nakita kong ngumiwi ito dahil sa sakit ng likod. "Ano, kasi... Hindi ko naman alam na kaibigan ka ni Luciana kaya paumanhin." Nag-bow pa ako. Bigla nablanko ako dahil sa way ng tingin niya. Sobrang seryoso kaya nakakakaba. "Pero kasalanan mo naman kasi dahil bigla mo akong niyakap. Kahit sinong babae ay hindi matutuwa sa ginawa mo. Kaya sorry but not sorry, hmp!" Inirapan ko pa ito. Wala akong pakialam kung hindi nila naintindihan ang sinabi ko. Nakadama ako ng sakit sa balikat ko dahil na rin siguro sa pagkabigla ng katawan ko sa pagbalibag ko sa tao. Marahan kong ginalaw ang balikat ko.


"Ano bang nangyari at nanghihingi ng paumanhin sa iyo ang binibining kasama natin?" Tanong ng kaibigan nilang may pagka-singkit ang mata kay Felix.


"Itinumba niya ako ng isang beses lang—at akala mo ay isang lalaki ang gumawa nun sa akin."


Sabay silang napatingin sa akin kaya nagtago ako sa likod ni Gabriel at ito namang fiancé ko ay mahina lamang na tumawa. "Bakit kayo ganyan makatingin sa aking nobya?"


"Siya ba ang iyong kinuwento noon na binibining nagligtas sa iyo?"


"Segundo, iyon ba ang binibining dalawang linggo niyang hinahanap?"


"Oo, siya nga Filomeno."

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon