(1)

6.4K 56 8
                                    

Maga yung mga mata ko. Nasobrahan ata ako sa tulog or kulang pa? Gabi na pala. Chineck ko kung anong oras na sa digital clock sa mesa katabi ng kama ko. God. 7:52PM na pala. Saturday. Weekends. Masaya na naman ang karamihan dahil pahinga. Walang pasok.

Except sa mga kagaya kong call center agent na night shift. Ngayon palang magsisimula ang Sabado ko. Pero nevermind, happy din naman ako kasi rest day ko. Swerte ko din sa account ko kasi fixed weekend off. Paano nalang yung ibang agents na rotating shift? Minsan may pasok ng weekends, minsan wala. Well, ganun talaga.

I checked my phone I always hid under my pillow when about to sleep. Two messages. Walang kwenta, dati kapag gumigising ako halos mapuno yung inbox ko sa mga texts, ngayon halos wala nang makaalala. People do evolve, di na sanay magtext yung iba. Or baka di lang talaga nila ako naaalala?

I opened the first one.

6:47PM

Eunice: Bebs! San ka? Labas tayo tonight? We need to celebrate! I resigned na! :)

Si Eunice, college barkada. Apat kami sa grupo, yung isa, si Yel nag-SG na for work. Si Gail naman nag-mission, sa religion nila yun, for a year and half. Kaya ayun, kaming dalawa nalang ng bebs ko ang natirang nag-dadate, nagkakaumayan na. Pero di bale, saming apat, siya naman ang good listener kaya gustung-gusto ko din siyang kausap. Anyway, masaya siya tonight, nagresign na siya at hindi na niya makikita pa ang halimaw niyang boss.

Typing...

Me: Good morning, bebs. Kakagising ko lang. Sure, san tayo? Congrats! :)

Then I hit send.

I get back to check the other message.

7:17PM

+63917308...: How have you been? It's been a while, haven't heard from you.

Shoot! OMG!! Napaupo ako sa kama ko ng makita ko yung text ng unknown number. Actually, di naman pala unknown. Alam ko kung sino yun. Hindi ko kabisado yung number to be honest. Yun yung tipong familiar ka lang sa digits at alam mo lang talaga kung sino siya.

Ilang beses ko pang binasa nang paulit-ulit yung text niya. At naglaro na sa utak ko yung dapat e irereply ko sa kanya.

Sira ka ba?! Haven't heard from you ka pa dyan. E sa totoo lang ikaw nga 'tong hindi na nagparamdam kaya hindi na din kita tinext! Kaya binura ko na yung number mo! Ako pa daw?? Tss.

Pero kahit makipagtalo pa ako sa maldita kong alter-ego, alam ko naman hindi ko siya marereplyan ng ganun. Imposible. Ako yung tipo ng taong hindi kayang i-keep for even 2 mins yung thoughts, pero pagdating sa kanya, speechless ako, formal kasi masyado.

"Nakuuu... ano bang irereply ko dito?"

Hmm...

At the back of my mind masaya ako. Nanalo ako sa mind game sa wakas!

Mind game: If a person cannot appreciate your presence, make him/her appreciate your absence.

At yun na nga! Panalo ako... for the first time! YES!!

Typing...

Me: Hey, I'm *delete*

Me: Hi. Sorry, late reply, kakagising ko *delete*

Bakit ka ba magsosorry? Okay lang yan na naghintay siya sa reply mo. Wag mong sasabihing kakagising mo lang para naman isipin niyang busy ka at hindi ka atat na replyan siya.

Madalas tama din 'tong inner goddess ko. Thank you. Tama ka dun. *tap on her shoulder*

Me: I'm good. Thanks. A little busy. You?

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon