(2)

2.2K 21 2
                                    

I am sitting on one of the tables outside. Secondhand smoking sa mga katabi kong nagyoyosi. Grabe bumuga. Kahit yung babae na akala mo tuko kung makakapit sa lalaking katabi niya. Nagtakip ako ng ilong using tissue. Aside sa malaking sweldo, stereotyped din na halos lahat ng call center agents ay nagyoyosi. Well, not me.

Ang daming tao, obvious na Saturday. Buhay na buhay ang gabi at ang mall na 'to kahit patapos na ang mall hours.

A little while, Eunice gets back carrying two ventis. One is I think java chip (favorite niya) and of course ang favorite kong strawberry cream. Hindi na ako nagcoffee since naramdaman kong madalas na akong nagpapalpitate. Kaya flavoured drinks nalang kagaya nito. If not this one, maybe juice drinks. And gusto ko yung whip cream na pinapapak kapag paubos na. Sana lang pinadagdagan niya. Bakit may iba na ayaw ng whip cream? Sa bagay, wala namang lasa. Pero kasi ako may nalalasahan kahit papano. Okay naman ah. Tsaka, minsan ginamit ko na 'to sa kanya. Di ko makakalimutan yun. Strawberry cream... It added up thrill and excitement nung gabing yun.

Di ba sabi mo di mo muna siya iisipin? Kulit mo.

"Soooo, ayun nga bebs. Inabot ko sa kanya yung resignation letter ko tsaka ako umalis. Hinahanapan pa niya ako ng sales. Anong akala niya? Di ko na siya bibigyan ng benta noh!"

Hindi ko namalayan nagstart na pala ng kwento si Eunice. Tumawa nalang ako.

"Sana sinampal mo sa kanya yung letter mo para jaw dropped siya. Hahaha!"

"Yun naman talaga yung balak kong gawin. Pero sabi ko wag nalang. I dropped down my mean meter. Pasalamat siya good mood ako dahil nakuha ko komisyon ko."

"Pansin ko nga na good mood ka."

Eunice is working (but will no longer be) on one of the prestige car dealers. Prestige as it may seem but then I just find out na duguan din pala. Gaya niya, hindi kinaya yung pressure ng boss niya sa kanya na makapag-produce ng sales. Pinipiga silang makabenta ng kotse every week, quota is 5. Ang hirap nun lalo na pag wala kang connections masyado. Knowing Eunice? Mahiyain siya and hindi siya ma-PR. Tahimik lang kasi. Kaya lang naman niya pinasok yung ganitong trabaho is because she loves cars. She loves to drive. But sales industry doesn't suit her.

One morning nga naalala ko nagising ako cause of her call.

"Yes bebs?" (bedroom voice)

"Sorry bebs, natutulog ka na ba?" (crying)

Nagising ako lalo sa pag-iyak niya.

"Yeah, pero okay lang. Are you crying?"

"Oo." (lalo pang nilakas yung pag-iyak niya)

"Why? What happened?!"

"Minura kasi ako ng boss ko."

"What?! Teka, bakit?!"

"Eh kasi it's Thursday na and wala pa din akong benta. Sa team namin ako nalang yung wala pang sale this week."

Oh god.

"Have you checked your email and bank connections na ba? Double check. Maybe you just missed a client."

"Yeah, I did. Pero wala talaga bebs e. Wala na din akong mapiga sa friends nila Mama and Papa. Ayokong ma-zero bebs. Lalong ayaw kong mamura ulit. Pang-ilang beses niya na 'to."

Lalo pang lumakas yung iyak niya sa kabilang line.

"Nasan ka ba niyan?"

"Nasa CR ako."

"Baka may makarinig sayo dyan."

"I locked the door, don't worry. Bebs..."

"Yeah?"

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon