(26)

768 7 1
                                    

Una kong nakita yung dining table pagdilat ng mga mata ko. Mukhang nakaidilip ata ako.

Malamig na yung pagkain. Di bale, may microwave naman.

I looked at the wall clock and it says 8:15PM. I next checked my phone, no message at all. No missed calls. No attempt on telling me if he'll go or not.

I called the spa I booked an appointment with earlier and cancelled it.

Napabuntong-hininga ako hanggang sa sumabay yung pagpatak ng mga luha ko. Wala na. Hindi na siya darating. This time sure na ako. Suko na ako. Ayoko na.

Nakikita kong sumisibi na yung subconscious ko. Malapit na ding tumulo yung luha niya. Hindi dahil sa ayaw na din niya pero dahil naaawa siya sa akin. Awang-awang-awa na siya sa mga pinaggagawa ko sa sarili ko.

Wag kang mag-alala, naaawa na din ako sa sarili ko.

Lumakad ako papuntang dining table. Lahat ng niluto ko niligpit ko na. Kahit pa sayang yung nagastos ko, kahit pa sayang yung effort ko, yung pagod ko. Kahit na ang sama-sama ng pakiramdam ko habang ginagawa ko yan kanina. Kahit na pinaghirapan ko yan. Ayoko na!

Pinagsama-sama ko yung mga pagkain sa mas malaking lagayan. Tsaka ko itinambak yung mga pinggan at iba pang hugasin sa lababo. Wala akong pakialam kahit gaano pa kadumi yung kusina ko, wala namang ibang makakakita nito!

Napakawalang kwenta mo! Sino ka ba para paulit-ulit mong paglaruan yung puso ko?! Sino ka ba para pagmukhain mo akong tanga?! Ganun ba akong kaliit sa paningin mo?! Ano ba ako? Babaeng bayaran? Na maaalala mo lang kapag libog na libog ka?! Leche ka! Simula ngayon tatapusin ko na kung anong meron tayo! Kakalimutan na kita!

Galit ako. Galit na galit ako. Hindi ko na mapapalampas 'tong ginawa niya sa akin. This will be the very last!

I fished out cans of beerfrom the fridge I bought when I did the grocery. Buti nalang pala naisipan kong isama 'to sa groceries ko.

Sige, this time hindi kita pipigilang uminom. Tutal nasa bahay ka lang naman, wala kang magagambala. Hinay-hinay ka lang dahil may sakit ka pa. Baka mapano ka na naman.

I get back to the couch sa sala and I bang the center table with the cans of beer and started to take gulps as much as my throat can manage. Wala akong pakialam kung mapakla yung lasa. Basta ang gusto ko makalimot ako kahit ngayong gabi lang. Kahit saglit lang. Napaluha nalang ako, hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nararamdaman ko or dahil sa lasa ng beer na gumuguhit sa lalamunan ko.

Kada lagok ko naiiyak ako. Naaalala ko lahat ng mga ginawa niya sa akin. Yung mga times na hindi niya ako nirereplyan kapag nagtetext ako sa kanya para mangamusta. Yung mga times na hindi siya marunong makaalala. At kahit makaalala siya, yun lang ay dahil may cravings siya.

Lagok. Tungga pa.

Yung mga times na icacancel niya yung lakad namin up to the last minute. Yung times na pinaghihintay niya ako sa wala, kagaya ngayon. Bakit ba hirap na hirap siyang magreply o magpasabi man lang?! Bakit ba lagi niya akong iniiwang nakasabit sa bangin?! Masayang-masaya ba siya na nakakasakit siya?! Masaya ba siya na alam niyang may nagpapakatanga sa kanya?! Feeling ba niya ikinagwapo niya yung bawat pagpapahintay na ginagawa niya sa akin?! Ikinagago niya yun!!

Lagok. Bottoms up. Pagtapos ay hinagis ko lang kung saan yung lata ng wala ng laman. Tsaka ako nagbukas pa ng isa. Tungga ulit.

Yung ginawa niya sa akin a week ago!

Aba! Akalain mong na-double whammy pala yung weekend ko! E last week uminom din ako dahil sa kanya ah! Tarantado! Sinisira yung rest day ko!

Lagok! Tungga pa hanggang sa yung beer matapon na sa bibig ko. Nasamid pa ako. Leche!

Ni hindi niya man lang ako pinuntahan sa ospital nun!

"Wala kang puso, Edward!! Bakit napakamanhid mo?!"

Inom pa.

"Bakit ba gustong-gusto mong sinasaktan ako?! Nabasted ka ba ng isanglibong babae noon at gumaganti ka sa akin ngayon?!"

Tungga pa!

"Langyaaa.. Oo, mahal kita. Pero ang sakit-sakit-sakit na!"

Naiyak na ako. Ninamnam ko yung mga sinabi ko at sobrang sakit na. Tinungga ko ulit yung beer pero wala na palang laman kaya ibinato ko ulit yung lata. Again, it made noise on the floor.

Saka na ako maglilinis. Pag feel ko na.

Nagbukas ulit ako. Isa paaaa!

Tumutulo yung luha ko sa bawat paglaklak ko sa alak. Pagkalapag ko sa beer sa center table, saka ulit ako humagulgol habang unti unti kong niyayakap yung binti ko. I feel like a baby needing care.

Dad, nasaan ka ba? I need you now. Kailangan ko ng magtatanggol sa akin ngayon. Inaapi ako ng kung sinuman at wala akong magawa.

Iiyak mo lang yan. Suportado kita ngayon. Huhuhu!

"Ano ka ba naman, Armia? Bakit ka umiiyak? Alam mo bang pag mahina ako, dapat ikaw strong pa din. Wala akong ibang pagkukuhanan ng lakas."

Bakit kasi ang tanga-tanga ko? Bakit ba ang hina-hina ko pagdating sa kanya?! Bakit ba kasi ang bobo ko?!

Iyak na ako nang iyak. Hindi ko alam kung luha ko ba o beer yung nalalasahan ko sa mga labi ko. Ang hirap ng ganito. Ngayon nalang ulit ako umiyak ng ganito. Last time was when my dad left me. Can't even remember how I managed to get some sleep. Maybe I waited my eyes to get tired and fell asleep on its own. I'll do the same shit tonight.

Sa bawat iyak ko, napapalagok ako ng beer. Sana ganito nalang araw-araw para hindi na ako makaramdam pa ng sakit. Ang hirap-hirap maramdaman yung ganito. Ayoko na. Bakit hindi ko kasi naranasang magka-puppy love nung bata ako? Feeling ko nadevirginize yung puso ko ngayon. Masakit. Sobrang sakit na deadmahin ka, na ipawalang bahala ka.

Mali. Hindi pala ito yung first time. Si Daddy pala yung unang nanakit sa puso ko. Di siya makakaligtas. Kasalanan niya 'to talaga.

Armia naman, wag mo naman isali yung Daddy mo dito.

Ay, sorry. Hik! Sige, hindi na. Sorry.

Kinuha ko ulit yung beer tsaka ako uminom. Ramdam kong unti-unti na akong nahihilo. Lasing na ako agad? Hindi pa! Kailangan ko pang maglasing nang maglasing nang maglasing! Hindi pa ako tapos! Kelangan ko pang maging manhid!

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon