(11)

904 9 1
                                    

Waking up at 12MN, it's usual. This is my bodyclock and it's my lunch time.

Blankets hugging me. I scan the room, my clothes piled up neatly on the chair in front of my mirror. I turned on my lamp and saw a note posted on my picture frame.

I miss you, baby.

I made dinner for you.

Shower and eat, okay?

Laters, Edward x

Like my 12MN, it's also usual. Him leaving me a note? It's always how it is used to be. Ganito na kami noon, at katangahan nalang siguro kung hahayaan ko pang maging ganito kami hanggang ngayon.

Ano ba yung ganito na tinutukoy ko? Ganito ang takbo ng relasyon naming dalawa. Walang label. On and off.

May karapatan siyang magalit pag gusto niya. Pero ako, oo. Meron din naman pero hindi ko lang kayang magalit sa kanya. Nagagalit lang naman siya kapag nagpapaka-childish ako e. Sa kanya lang naman ako nagpapa-baby. For the others, I looked like I am an intimidating woman. Ang nagustuhan ko sa kanya is because he intimidates me. Dominant. Boss.

Lumalabas kami, pero patago. Minsan maagang-maaga, like for breakfast. Minsan super late like 12MN onwards. Walang tao e. walang makakakita na posibleng kakilala niya. Sa akin okay lang, I can introduce him as my boss. Magaling naman akong magpalusot. Pero siya, ayaw niya talaga.

Yes, I've mentioned na din kanina about sa privacy. Sa phone, I need passcode. And I need to delete his call logs and his messages, our conversation. Sa office, hindi kami pwedeng mag-email. Hindi kami friends sa Facebook. He picks me up and drops me off malayo sa office. Pero pag sa bahay naman niya ko hinahatid, madalas hanggang kanto lang. He won't park his car in front of my gate mismo. He would rather park it sa malayo then walk going to my place.

Selos? Hindi uso yan sa kanya. He told me once he admires me for being a tough lady, smart and hardworking. Yan lang. I doubt na minsan nagselos siya lalo na pag sinasadya kong magkwento about sa kung sinu-sinong lalake sa floor na co-agent ko. No reaction. Poker face. One time nga he even advised me to go and look for someone na magsasatisfy ng cravings ko. Parang ang dali sa kanya na ipamigay ako habang ako hirap na hirap na kalimutan kung anong meron kami.

Ano nga ba kasing meron sa aming dalawa? I was once, and I don't know if I will let it happen again, played the role of being a mistress.

Other woman pa bang matatawag kung sinabi naman niya sa akin na they were separated na two years ago? They we're lawfully married pero hindi sila annulled. They just decided to go part ways. They got 1 kid. I saw the kid in the picture and he's so cute.

I was blinded by the thought na we are doing this without hurting anyone naman since they were now exes. But to think na nagtatago kami, nagtatago ako? The answer is yes. Other woman pa din akong matatawag. Sa mata ng ibang tao. Sa mata ng Diyos.

Kapag nanonood ako ng mga drama sa TV dati naiinis pa ako sa mga ganitong eksena. Lalo na kapag sinabi nung kabit na, "Nagmahal lang ako!"

Damn that line! I can use that now any time especially pag bigla nalang may hahatak ng buhok ko sa mall at sisigaw ng "Kirida ka!"

Tama. Mahal ko na siya. Hindi na siya makakalimutan ng katawan ko. I love him. At nasasaktan ako sa fact na hindi niya ako kayang ipakilala sa ibang tao. Na nag-hihide and seek kami sa mapanghusgang mga mata. Mahirap pala na ganito ang lagay niyo.

Madali namang kumalas. Pero pag nandyan na ulit, mahirap nang tanggihan.

Tama sila. Kahit gano ka pa katalino, darating yung time na magiging bobo ka sa pag-ibig. Hindi na 'to chicken. Natatanga na ako.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon