(28)

683 5 1
                                    

Basang-basa ako ng pawis. Nagising ako sa sobrang init. Balot na balot pa ako ng kumot.

Sinubukan kong bumangon agad para mapreskuhan pero halos mapabagsak ulit ako pabalik sa kama sa sobrang sakit ng ulo ko. Tss. Hang over.

Shoot! Oo nga pala, nagpakalasing ako kagabi.

Clock now says 10:35AM, Sunday.

Tinanggal ko yung kumot na parang ahas na nakapalupot sa akin.

Ganun na ba akong kaadik kagabi at binalot ko yung sarili ko ng ganito? Nagpapakamatay na ata ako. Hindi kaya tinry ko talagang magsuicide kagabi? Yung tipong binalot ko talaga yung sarili ko sa kumot hanggang sa hindi ako makahinga?

I shook my head to take out the thoughts off my mind. I remember Mom died cause of asthma.

Slowly I get up, still with my head aching. I found myself on a shirt and sweatpants.

Aba at nagawa ko pa palang makapagbihis kagabi.

I sat down at the edge of the bed as I pony-ed my hair into a bun. Masakit pa din ulo ko pero okay lang. Later on, habang fini-feel ko ang presensya ng init sa loob ng kwarto ko, narinig kong parang may something sa kusina. May nagsindi ng kalan.

Bigla akong kinabahan. Hindi ako natakot sa kaba na yun, excited nga ako.

Posible kayang dumating si Edward kagabi? Or mali. Dumating ba siya ngayon para bumawi sa hindi niya pagdating kagabi? What is he cooking?

My hands are trembling but with excitement I eagerly got out of my bedroom and rushed to the kitchen.

Bigla akong napahinto sa nakita ko. Mas lalong kinabahan, yung heartbeat ko parang footsteps ng tumatakbong kabayo. Ewan. Baka nga cheetah pa sa sobrang bilis.

Anak ng pitumpu't pitong puting pating! sabi ng alter ego ko.

Linya ko dapat yun ah! Pero binago ko nalang para di naman ako mukhang gaya-gaya.

"AY, KABAYO!" sabay napatakip ako sa bibig ko nung lumingon siya... at tumitig sa akin.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon