(22)

710 7 0
                                    

I get up at 7AM and get ready going to a nearby clinic.

Accredited ng health card ko yung palagi kong pinupuntahan and kilala na din ako dun. Before kasi nagpa-eye check up na ako, dental, ENT and OB.

Yup! OB-Gyne. I started having my regular check ups with my OB nung nag-start yung relationship namin ni Edward. He advised me to do it lalo na nung very first ko. I was delayed for 17 days! Pero it turned out na nanibago lang yung body ko sa mga nangyari. Adjustment period. Since then lagi na akong nagpapacheck up sa kanya.

One time pa nga sabi niya, "You should be careful, hija. You're too young. Pero if you think you and your boyfriend is ready naman to have a family, why not go for it?"

Ang tanging naisagot ko nalang is, "I don't have a boyfriend po."

And wala nang nireply sa akin si Doktora. She just looked at me quizzically. Siguro naisip niyang iba na talaga ang mga kabataan ngayon.

Walang masyadong pasyente pagdating ko. Super init sa labas pero ako naka-jacket pa. Sumama pa lalo ang pakiramdam ko kasi ang ginaw pa sa clinic. Hindi muna ako nagconfirm kung anong oras darating yung assigned doctor nila for today. Pero sabi naman nung receptionist before 9AM darating na daw. I checked my watch and its quarter after eight.

The nurse measures my BP. Ninety over sixty. Lowblood. Siguro sa puyat and sa pagod.

Hindi pa ba sanay ang katawan mo sa workload mo?

Buti nalang may mga books sa tabi ng sofa na inuupuan ko. Bibihira nalang sa mga establishments ang may books and mags sa waiting area. Usually WiFi connected na and lahat ng matatambay is makiki-connect nalang at tsaka mag-oonline.

But for me, book has never been old schooled.

I spotted a magazine and start to read it. Halatang wala man lang nagbalak na magbasa ng mga 'to. Hapit na hapit pa yung mga pahina. Kokonti nalang kaming nakaka-appreciate ng mga libro ngayon.

Hindi ko namalayan yung sakit ko dahil sa pagbabasa ko. Matagal-tagal din akong nagbasa bago dumating yung doktora. She smiled at me when she passes by. I smiled back.

Later on, she called out my name. My turn.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon