(23)

707 7 1
                                    

I bought meds under my doctor's prescription. Nabawasan na naman yung budget ko. Hindi naman ako kuripot. Sadyang hindi lang talaga ako sanay sa mga ganitong "Oops!" ng buhay.

"Oops!" I mean is yung mga di inaasahang bagay. Hindi inaasahang mga bayarin.

I took a cab going home. Mas lalong hindi ko kinaya yung init sa labas. Halos magtatanghali na nung dumating ako sa bahay at mas tirik yung araw. Masakit sa balat at mas lalong masakit sa ulo yung liwanag.

I raid the fridge to look for very cold water.

Sabi ni Doc need ko daw munang kumain bago ako uminom ng gamot. So I opened an instant cup noodles and ninamnam ko yung mainit na sabaw. Yung mga ganitong klase ng pagkain sobrang sarap lalo na pag minsan mo lang matikman. Tho madami akong nakatambak na ganito sa bahay, hindi ko ginagawang hobby ang pagpapak ng mga 'to. Baka yung bituka ko maghugis noodles na. At ngayong may sakit ako, highly appreciated ko ito.

Pinagpawisan ako sa hanggang sa huling patak ng sabaw na hinihigop ko. Pagtapos ay uminom na ako ng gamot. Tatlong tablet yung ipinaiinom sa akin ni Doc, 3 times a day for 5 days every after meal. Sabi niya severe fever yung nangyari sa akin. Kung hindi daw naagapan baka nauwi sa tonsillitis. Air-bourne pala yung sakit na yun. Now I know. Pero malamang kiss-bourne din or hug-bourne, or sex-bourne. Haha!

Loka ka! Wag ka na lalapit dun kay Edward ah! Nahahawaan ka ng sakit! Baka next time STD na yan!

Sira talaga 'tong ego ko. Hindi naman siya magkaka-STD noh. Hindi naman siya bayaran and ako lang naman yung ginaganun niya.

Sure ka ba? Hmm...

Oo noh!

Speaking of... Tonight is the night na magdidinner kami ah! Naku, muntik ko na makalimutan! Kelangan ko na magprepare!

Sana nga nakalimutan mo nalang. Kasi siya mukhang nakalimutan na e. Aasa ka na naman nyan.

Ano ka ba? Positive lang tayo palagi. Darating yun! Baka naging busy lang kahapon or natutulog pa ngayon. Di bale, papaalalahanan ko siya para di niya malimot.

I hurriedly fished out my phone from my bag. I was smiling, excited to inform him about our "date" tonight.

Oh my god! I've never been so excited this much again! Para lang nung magta-Tagaytay kami!

Typing...

Hi, Edward! 7PM for dinner. Excited to see you! =)

Then I hit send.

I went to my phone's Google search and looked for a home service spa & massage nearby. When I've had the number I called them and booked an appointment for tonight at 9PM. Nung una nga tumanggi pa, kasi hanggang 8PM lang daw sila nagpapa-home service. Pero sabi ko dodoblehin ko yung bayad, kaya pumayag naman.

Parang nawala yung nararamdaman kong sakit ng katawan at ulo nung naisip kong magkikita kami. Mas excited pa ako sa batang niyaya ng Daddy niya sa amusement park.

Para mawala nang konti yung pagkahilo ko galing sa sakit at sa mga nilakad ko, dumiretso ako sa banyo tsaka ako nag-half bath nang maligamgam. Hindi naman ako nagtagal, baka mabinat ako. Nagbihis din ako agad. I am now on sweatpants and plain shirt. Ready to prepare the meal for tonight.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon