(5)

1.6K 11 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Mahapdi yung mga mata ko. Hindi ko maidilat nang masyado.

Ano bang nangyari?

Ah, naalala ko na. Nabiktima ako kanina ng modus nung taxi na sinakyan ko. Pero may tumulong sa akin para makalabas ako ng taxi di ba? Oo, tama. Natumba ako. At wala na akong maalala pagkatapos nun.

Dinilat ko nang maigi yung mga mata ko. Medyo malabo pa yung paningin ko kaya pumikit ulit ako. Madiing pagpikit. Tsaka ko dinilat ulit. Okay na. Nasaan ako?

Ospital. Ginalaw ko yung kanang kamay ko. Hindi na naninigas mga daliri ko. Safe. Thank God. Ouch, may kumirot. Pagtingin ko sa kanang kamay ko may nakakabit. Dextrose ba 'to? Hindi ko alam. Bakit? Para saan?

Tsaka ko hinawakan yung ulo ko gamit yung kaliwang kamay ko. Masakit pa din. Hindi ko na alam kung sa hang over ba 'to or dahil sa nangyari kanina or dahil sa pagkakatumba ko.

Sino ba ang mag-eexplain ng lahat ng 'to sakin? Hayyy.

Maya-maya pa bumukas yung pinto. Pumasok yung isang nurse.

"Hi, Ma'am. Buti naman gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung alin sa mga nararamdaman ko yung una kong irereklamo sa kanya.

Kinuha niya yung kanang kamay ko and chineck yung nakakabit. Pagkatapos ay inayos niya yung nakasabit. Hindi ko alam kung ano. Hindi ako makatingala.

"Kanina ka pa walang malay, Ma'am." Sabi niya habang may sinusulat sa hawak niyang papel.

"Talaga? Gano na katagal? Anong oras na ba?"

"5AM na Ma'am. Mag-tatatlong oras ka nang walang malay."

5AM na. Anong araw na ba?

"Sige po, Ma'am. Iwan po muna kita ha. Press the buzzer kung may kailangan po kayo."

Tsaka ko siya nginitan. "Thank you."

Bakit dito pa ako nilagay sa room na 'to? Baka may extra charges pa beyond my health card.

Sige, kesa naman sa abandoned building ka magising kung hindi ka nakawala dun sa manong driver na yun.

Tama ka. Teka, oo nga pala. Nasaan na yung mga tumulong sa akin? Hinatid lang ba nila ako? Hindi ko man lang naitanong dun sa nurse kanina. Tinignan ko yung paligid ko. Hinanap ko yung bag ko. Yung cellphone ko. Hindi kaya mga holduper din yung tumulong sa akin? Hindi. Nakita ko yung bag ko sa may sofa. Buti naman.

Bumukas ang pinto.

Pumasok ang isang lalaki. Matangkad. Naka-pull up jacket. Jeans. Rubber shoes. Mukhang happy-go-lucky na boy next door ang peg. Gwapo. Oo, gwapo. Naka-eyeglass. Chinito. Mukhang katamtaman yung body built. Hindi ko masabi kasi nakajacket siya.

Sa totoo lang, ganyan ang ideal man ko. Lord, reward mo ba 'to sa akin? Or may hang over pa din ako? Or panaginip lang 'to?

Nakatingin siya sa akin. Hawak niya yung cellphone ko.

Crap. Hawak niya yung phone ko. Bakit??

"How are you, Miss Alfante?"

Nakatulala lang ako. Hindi ako makapagsalita. Bad trip! Ang ganda ng boses niya. Buong-buo. He looked at me quizzically and snap his fingers. Nagising ako.

"You okay now?"

"Y-yeah. I feel better now. Thanks."

"Good. You fainted kanina nung nilabas kita sa taxi. Siguro marami kang nalanghap na ammonia. Delikado. Kung hindi naagapan malamang nasuffocate ka na."

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon