(21)

705 7 1
                                    

I think I drifted to a deep sleep. I woke up and giniginaw ako. Hindi ko na naman nai-set yung timer sa aircon. Ang laki na naman ng bill ko nito.

Time check, 3:35PM.

Maaga pa. Got 2 hours more para matulog. Ang sakit ng ulo ko. I turn on the lamp beside me and trying to look for the remote. Nung nakapa ko ay pinatay ko agad yung aircon. Sana mabilis na mag-cool down yung temp.

I took a nap. Sayang yung dalawang oras.

I was in the middle of my sleep when I was awaken by a sudden pain from my head. Sobrang sakit. Parang binibiyak sa gitna yung ulo ko.

Napaupo ako tsaka ko hinawakan nang madiin yung sintido ko. Migraine.

Hey, okay ka lang?

Hindi ko na kaya. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kinuha ko yung lagayan ng gamot ko sa cabinet at tsaka ako naghanap ng Advil, dalawa.

Bakit ba bigla na naman bumalik 'tong migraine ko?

Kumuha ako ng tubig sa ref tsaka ko ininom yung gamot. Pagkatapos ay napakapit ako sa mesa. Para akong tutumba sa pagkahilo. Parang may mali sa akin. Nanlalamig yung mga paa ko.

Hinipo ko yung noo at leeg ko to find out na may lagnat na pala ako. Ang init. Ang taas ng lagnat ko. Wala akong thermometer. At kahit meron man mukhang hindi kakayanin ng mercury yung pagsukat ng body temperature ko.

Bumalik ako sa kwarto para kuhanin yung cellphone ko.

1 message.

2:47 PM

+63917308...: Recheck your mails before sending, Mia. You just missent a mail to me.

Ano bang ibig mong sabihin?

Hindi ko maalala.

Yung flowers. Di ba sinend mo sa kanya yung picture to tell him na you received it?

Oo nga pala.

W-wait. Na-wrong sent daw ako sa kanya? Ibig sabihin hindi siya yung nagpadala ng flowers? Kung hindi siya, sino?

Hindi ko alam. Ayaw na ng utak ko na mag-isip pa. Lalong sumasakit yung ulo ko.

I managed to reply to him. Should I let him know na may sakit ako?

Of course! Kelangang ikaw naman ang alagaan niya ngayon. Look at yourself. Ang hina-hina mo!

Typing...

Me: Edward, I am not feeling well now. Ang taas ng lagnat ko.

I hit send.

This is urgent. I badly need you now.

I waited for his reply pero wala. It has been 10 mins ago when I sent him the text message. Baka naman tulog pa kasi siya.

Hindi ko na din namalayan na nakatulog na ulit ako.

Next time I woke up it's already 5PM.

Ganun pa din yung pakiramdam ko. Mas lalo pa nga atang lumala. Kapag hindi pa ako naging okay the next day I need to visit a doctor. Ayokong mangyari na naman yung nangyari dati. I fainted sa gilid ng hotel sa Ortigas while I was walking, same scenario.

I checked again my phone, wala pa din siyang reply.

I decided to call in sa office to let them know I can't make it to work. As per process, you need to call in 2 hours before your shift para hindi ka ma-ding sa log records mo. Wala pa namang 6PM so I made it just on time.

I looked for my sweater sa closet. Been long since the last time I used it.

I put on sweater over my shirt, put on pajamas over my shorts and put on socks. Pero kahit ata triplehin ko pa yung suot kong mga damit hindi kakayanin yung ginaw na nararamdaman ko. Nakapatay na naman yung aircon. Tho may konting lamig pa, pero hindi na dapat ganito ka-OA yung pakiramdam ko.

I went out of my room and made myself a soup. I drink paracetamol after.

Disappointed when I checked my phone, wala pa din siyang reply.

Why don't you call him? This time it's you who need him. After doing him a favor nung siya yung nagpunta dito? On top of it, kasalanan niya kung bakit ka may sakit ngayon. Hinawaan ka niya. Virus!

Wala na akong lakas pa makipagtalo sa kanya.

I dialed his number.

"The subscriber's cannot be reached. Please try again later."

Baka nalowbatt.

Para akong nasa loob ng human refrigerator. Nakatulog ulit ako.

11PM

Edward never fails to disappoint me. Still, wala pa din siyang reply. Imposibleng magpatay siya ng phone. He value messages and calls especially he's a manager.

I tried to call him again. This time, not to get sympathy but to even get a chance to hear him concerned about how I am doing now.

I dialed his number.

It's ringing.

Pick it up.

Pick up the phone, Edward.

I gave up. It just keeps on ringing. He's avoiding me. He really hates responsibilities if it involves me.

Coward.

I don't need you. I can take care of myself.

I went out my room to have another set of paracetamol. 4 hours interval ang alam ko. Kung mali man, okay lang maoverdose na para matapos na. Or wag namang ganung ka-OA. Kung mali man yung pagsukat ko sa oras, okay na din, para madali akong mapagaling.

Tomorrow I'll visit the doctor. Hindi ko ineexpect na sa ospital na naman ako mag-weweekend. Wag naman sana. May plano pa kami for tomorrow.

Hindi ka naman sisiputin nun. Hindi na nga nagparamdam ngayon e.

Busy lang yun. Baka may clients.

Pagtakpan mo pa. Dyan ka naman magaling. Hindi mo pa din ba narerealize yung sinabi ni Mr. Perfect sayo?

Mr. Perfect??

Si Ivan. Hihi.

Natawa ako. Hanep sa code name. Hahaha.

Bakit? Ano bang sinabi niya?

Before pa makapagsalita yung subconscious ko, nag-echo na sa isip ko yung sinabi ni Ivan nung nag-bbreakfast kami.

"...Mia, no one is busy in this world. It's all about priorities."

Di ko alam kung tama siya. So ibig sabihin ba nito wala ako sa priorities ni Edward?

Oo. Priority ka lang niya kapag may cravings siya.

Kung ganun lang din edi to be fair, wala din ako sa priorities ni Ivan. After that breakfast hindi na siya nagparamdam. I made a move pa para lang magkaroon ulit kami ng connection thru his dad pero got no response from him either.

Pare-parehas lang silang mga lalaki.

No, Armia. That's a different case. Hindi mo naman alam ang background ni Ivan. Baka nga kasi taken na siya and wala naman siyang balak makipag-friends sayo. I told you, nagkataon lang ang lahat nung gabing yun.

Sa bagay. Bakit ko ba siya laging ikinakabit sa galit ko kay Edward? Magkaibang tao naman sila. Nahihibang na naman ako.

Kung anu-anong iniisip ko. Masakit sa sintido!

Ayoko na!

Matutulog na ako!

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon