(13)

822 8 1
                                    

There's a mini-mart nearby kaya pagkagising ko that morning, I did grocery. Wala nang laman yung kusina ko. Even yung ref ko puro tubig nalang. Next time somebody visits me nakakahiyang wala man lang akong maipakain.

Somebody visits you o HE visits you?

Ayan ka na naman. I've got friends pa aside from him and I'm talking generally. You don't have to point out to me always na laging siya ang center ko.

My inner goddess raises her hands as a sign she surrenders her thoughts. Ayaw niya na sigurong mag-away ulit kami.

I was pushing my big cart, getting all the things I need. First from my toiletries, canned goods, instant noodles, preservatives na itatambay ko na naman sa freezer for how long. Well what more do you expect sa gaya kong hindi naman natututo sa loob ng kusina? Instant ang life. I also get some candies, mga chichirya, juice in bottles and cans, beers in can in case kailangan ko ng pampatulog, vitamins and madami pa. Halos mapuno yung cart ko. Parang overwhelmed ako masyado sa paggrocery.

I passed by pasta stalls and naisip kong marunong din naman akong magluto ng pasta kahit papano. I remember my Lola taught me how to. Specialty pa nga niya yung white sauce spaghetti. Masarap lalo na kung madaming cheese and bacon strips. Why don't I try to cook? In case I missed something, I can look over the Internet naman kung anong dapat gawin. Why not?

I get all the ingredients needed for the pasta I'll be making. Balak kong magluto ng isang kilo. Napahinto ako nung naisip kong sino naman ang kakain?

Hmm...

Uhm-hmm...

Alam ko na!

Alam ko na din!

Teka, parehas ba tayo ng iniisip Armia? Tss. Siya na naman.

Hindi ko pinansin yung alter ego ko.

"He deserves my thank you, anyway."

Tsaka ako nagtungo sa counter to pay my groceries. Manong guard assisted me bringing it all up sa cab na sinakyan ko.

Sabi ko naman, hindi ako madaling matrauma. Isa pa, umaga naman and I know I can take care of myself more.

I headed back home.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon