Kyla's POV
Tulad ng sabi ni Rio pumunta na kami sa next class namin at pumasok na kami at umupo sa pinakadulo, umupo ulit ako malapit sa bintana at tumingin sa harap.
'Di nagtagal ay dumating na ang guro namin at nagturo na. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng guro ay may mahinang kumatok sa bintanang katabi ko.
*tok* *tok* *tok*
Nang makitang busy ang guro sa pagtuturo ay nilingon ko ang kumatok sa bintana at nakitang si Rueben ito.
Nag sulat ako sa notebook ko ng 'WHAT?' at pinakita ito sa kanya. Ngumite naman ito nagsulat rin sa notebook na hawak hawak niya.
I'M SORRY!
Nagtatakang tignan ko naman siya, sorry? Mukhang na intindihan naman niyang 'di ko gets ay nagsulat siyang muli.
SORRY KUNG HINDI KITA NAIPAGTANGGOL KANINA.
Napailing-iling nalang ako at napangite, nagsulat ako at ipinakita ito sa kanya.
ANO KABA! HINDI MO 'YUN KASALANAN NOH.
Umiling lang ito at pinagdikit ang dalawang kamay yung parang nagdadasal lang, at nag pout ito habang naka puppy eyes.
Mahina akong napatawa at nagsulat muli.
WALA KABANG KLASE? PARA KANG TANGA HAHAHA.
Napakunot naman ang noo nito at nagtaas ng kilay. Nagsulat ito habang nakataas parin ang kilay.
I HAVE PERO LATE NAKO.
GWAPO KO NAMAN ATANG TANGA, TSK!Ang arte naman nitong lalake to HAHAHA. Binilatan ko siya at pabirong inirapan, muli akong nagsulat.
PUMASOK KA WUY! GWAPO? NAKO SIRA NA ATA MATA MO!
Tumawa lang ito kaso 'di ko marinig.
SUS! PERO SORRY TALAGA BABAWI AKO MAMAYA. SIGE NA PAPASOK NAKO, IKAW RIN MAKINIG KANA JAN.
Tumango lang ako sakanya at nagpabebe wave, napailing iling naman ito at gumawa sa pagpabebe wave ko at umalis na. Nagitla naman ako ng sikuhin ako ni Rio.
"Makinig kana, mamaya na yang day dream" tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagta-take note.
Tatlong oras bago natapos ang lahat ng klase namin ni Rio ay tumayo na kami at naghanda na papalabas.
"Anyway do you have plans today K? Ang aga pa kase para umuwi."
"Aside sa mag check nang emails and sign some documents wala na." At naglakad na kami palabas ng room, at naglalakad na kami ni Rio sa hallway patungon lift at sumakay dito kasama ang ibang estudyante at pinindot ang G.
Nairita naman ako sa mga babaeng nasa likod namin na parang sinilihan ang mga pwet at 'di mapermi at pacute ng pacute kay rio.
"Estàs bein?" [Spanish: Are you alright?] Tumango lang ako at lumabas na nang Lift. Bumungad saamin ni Rio si Rueben na nakasandal sa sasakyan niya, kumaway ito kaya nilapitan namin.
"Busy ba kayo ngayon?"
"Not really. Why?"
"Want to invite you guys to a dinner in our resto kase..." at nagkamot ito ng batok "well, if it is okay lang naman" at maliit na ngumite.

BINABASA MO ANG
Want to Want Me
RomanceThere are things that we can't change about People... But, one thing for sure, This is not the end... but the beginning .