The Ghost

16 2 0
                                        

It was just a common routine for our class.

Araw-araw na ang buhay namin ay nag-eexist dahil sa mga patay na ito na naka sorround sa amin.

   “Wag ka ngang maingay!” Ang malakas na sabi ni Atina sa may harap ng board.

    “Bakit na naman?” Tanong ni Grace sa kanya.

    “Shut up Grace! Alam mo naman kung bakit hindi ba?” Inis na sagot ni Atina sa kanya.

    “Commo’n Atina, don’t be harsh! Alam mo  naman na favorite ka ni Mrs. Pots diba?!” Panunuya ni Brook.

     Ganito ang topic ng pumasok ako sa loob ng klase.

Today is time out day. May meeting ang mentor naming kaya wala kaming klase. Si Mrs. Pots ay isang ghost apparition. Actually hindi yun ang tunay na pangalan niya. Wala sa amin ang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. Hindi rin siya nakalibing sa isa sa mga puntod sa cemetery sa harap namin. She arrive here two years ago, by that time freshmen palang ako. Mrs. Pots yun ang ibininyag ni Brook na pangalan sa kanya, kasi as we discover the cause of her death ay dahil sa head injury gawa ng pagkakahampas ng isang matibay at makapal na pot. The weird thing simula ng dumating siya dito sa school, favorite niyang dikitan si Atina, kung ano man ang dahilan ay hindi naming ma-explain.

        “Siya nga Brook, don’t tease Atina para bang wala kang stalker!” Nakangisi kong sabi sabay upo sa upuan.

         “Yeah! You’re right!” Nakatawang reply ni Brook.

     Actually the three of them has their own apparition stalker. Yung klase ng mga ghost that follows you wherever you go. Si Atina si Mrs. Pots, si Brook si Macho Man, at si Grace si Lady Flora.

        Si Macho man, from our observation malamang sa malamang ay isang dating gym instructor. Bato-bato ang muscles, matigas at mukang astig, he died after being crush by a moving truck.

Si Lady Flora, isang florist, maganda, maputi, mukang mahiyain, namatay dahil sa allergy sa isang bulaklak na hanggang ngayon ay hindi niya maalala. Well alam namin kung anong bulaklak, obvious naman diba nakapin sa buhok niya, isang forget me not. Apparently walang may gustong magconfirm, pano ba naman ayaw naman makinig ng multong ito. Zip and Shut ang drama.

        Ghost! That’s what they are. Apparition, yung klase ng lumulutang sa hangin, walang paa, pero they exist. Always ang isang apparition ay nanatiling suot ang damit na kinamatayan niya. He or she looks the same way kung papaano sila namatay. isa sa mga katangian ng isang ghost ay pagiging see through. Kita mo tagusan ang image sa likod. They stay here on earth for one reason, unfinished business. Some of them find the light and move on. Ang iba nagiging lost souls or in other words eternal wanderer.

        “Anon a naman ba ang inuungot ni Mrs. Pots sa iyo Atina?” Curious kong tanong.

        “Nakakita kasi kami ng bagong bukas na cake shop na nagseserve ng tea on the way papunta dito. Actually wala siyang pakielam sa tea o sa cake, ang trip niya ay yung tea cup na mukang old medieval ang yari. Kanina pa nga ito eh! Nakakainis na nga.” Sagot ni Atina sabay kalumbaba sa tabi ng upuan ni Brook.

        “Pagbigyan mo na kasi. Alam mo naman yang si Mrs. Pots, hindi yan susuko, parang ikaw!” Pang-aasar ni Brook.

         “Isa pa Brook at talagang gagamitan kita ng reaper mode ko!” nanlilisik nab anta ni Atina.

         “Chill Atina, Tama naman si Brook, kahit tumanggi ka kay Mrs. Pots ng isang linggo hindi yan susuko. Kaya pagbigyan mo nalang.” Nakangiti kong paalala.

      Napabuntong hininga nalang si Atina.

        “Okay na Mrs. Pots, mamaya pupunta na kayo ni Atina!” Sigaw ko sa ghost sa may board. Ngumiti lang ito at nawala na.

         Kahit na para kay Atina salot si Mrs. Pots, kinaiinggitan ko siya dahil doon.

Silang tatlo ay may apparition guide, ako wala.

Taong buhay ayaw na lumapit sa akin, lalo na ang mga patay na tulad nila.

Sabi nga ni Brook may aura daw ako na nagtataboy sa buhay man o sa patay.

A Thousand MilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon