Sa paraiso ang Kataastaasang Ama ay nagkaroon ng pagpupulong ito at si Cornelia
“Cornelia kamusta na si Lyka?”
“Mahal na Ama hindi parin siya nakikipagusap. Mas gusto niyang mapag-isa sa ngayon.”
“Ganoon ba?” (buntong hininga ng malalim) “Mukang tunay na minamahal siya ng mortal na iyon, hindi ba?”
“Ang totoo po ay lagi siyang nahiling at lagi niyang hinhanap si Lyka.”
“Kung ganoon, subukan natin siya. At kung ako ay makumbinsi bakit hindi ko pagbigyan ang kanilang mga hiling.”
Mula sa huling kataga na iyon siya ay lumisan na…
At naiwan si Cornelia na nagiisip.
Bloomsburry 10:05 am
“Narinig mo na ba?”
“Ang alin?”
“May bago tayong mentor?”
“Sino daw?”
“Hindi ko rin alam eh?”
Ito ang topic of the day nang pumasok ako sa pintuan ng room.
“Ano na naman ang pinaguusapan ninyo?” Ang tanong ko sabay upo sa upuan.
Ang totoo wala akong interest sa kung ano ang pinaguusapan nila. Pero ang porma ng muka nila ang nakaintriga sa akin.
“Leon sino raw ang bagong mentor natin?” Ang pag-aalalang tanong ni Grace sa akin.
“Hindi ko rin siya kilala; Hindi ko pa siya nakikita ng personal. Marahil sa papa ko siya nagtungo at nag-aaply.” Inosente kong sagot.
“Bakit biglaan ata ang pagpapalit ng mentor?” Takang tanong ni Atina.
“I told you, baka nga kay papa yan nag-apply. Alam mo naman ang papa ko, pabagobago ang isip. What I mean kung ano ang maisipan yun ang ginagawa.” Sagot ko naman sa tonong nagsasabing *WALA AKONG PAKIELAM*.
“Pero diba malapit na tayong magtapos? Dalawang linggo nalang at magtatapos na tayo sa bahaging ito tapos ngayon pa naisipan ng papa mong palitan ang mentor natin?” Sabay tingin sa akin ni Brook.
Taas balikat sabay baba. Ano pa ang magagawa ko eh wala naman akong maisagot sa kanilang konkreto.
Hihirit pa sana nang tanong si Atina nang bumukas ang pinto ng room.
Pumasok siya na walang ingay.
Animo ang kanyang mga paa ay hindi sumasayad sa lupa.
For the first time, lahat kami ay tumanga sa stranger na pumasok sa kwarto.
Hindi siya mukang mentor.
Ang kanyang itsura ay pareho lang sa amin. Animo ang kanyang edad ay hindi nalalayo sa amin. Masyado siyang bata para maging instructor, iyon ang un among impression kapag nakita mo siya. Ngunit sa kabila nang mga ngiti niya at sa candid attitude na ipinakikita niya, alam ko ang totoo. Ang taong kaharap ko ngayon, ang aming bagong mentor ay hindi isang tao.
Ramdam iyon ng aking buong katawan; at mula sa aking mahabang pagkakatulog ay para akong nagising. Mula nang mangyari sa akin ang bahagi nang buhay kong iyon ay para akong naalog.
Simula nang araw na iyon ay naka fix na ang aking mga mata sa mentor na iyon.
Simula nang araw na iyon ay nabago ang ikot nang patay kong mundo.

BINABASA MO ANG
A Thousand Miles
RomanceI'm Leon and I'm A SEER! I'm Lyka and I'm a GHOST! SEER + GHOST = TROUBLE? A seer that was in search for ACCEPTANCE, a ghost that is in search of her last life memory, and a hundred days to fall in love. That makes a lifetime of waiting and realizat...