Listening Ears

11 0 0
                                        

“Lyka asaan ka na?”

 

           Ang boses na iyon?! 

      Ang boses ni Leon na patuloy na umaasa sa aking pagbabalik.

 

Ang lugar na kinalalagyan ko ngayon ay masasabing paraiso. Tahimik, malawak, maraming bulaklak. Dito ako dinala ni Cornelia pagkaraan nang gabing umalis ako sa mundo ng mga taong buhay; pagkaraang iwanan ko si Leon na luhaan.

        Patay na ako!

         Alam ko iyon!

   Pero sana hindi ito totoo.

 

           Ang lugar na ito ay ang lugar na kabahagi ng mismong lugar kung saan nakatira si Cornelia. Ang sabi niya sa akin dito niya ako dinala kahit mas nabibilang ako sa paraiso ng mga patay. Dahil sa lugar na ito, kahit hindi ko siya maabot, maari ko siyang marinig.

 

         Dapat masaya na ako. Dapat Kuntento at tahimik na aking kalooban. Pero sa tuwing maririnig ko ang boses na iyon, ang aking kalooban ay hindi matahimik. 

          Ngunit wala akong magawa. Dahil sa lugar na ito ako nabibilang, at kahit kalian hindi ko na siya maaring maabot.

 

        “Leon andito ako!” 

 

  Ang paulit-ulit kong sagot.

Kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Inuulit ko parin ang mga katagang iyon.

 

“ANDITO AKO LEON!”

“ANDITO AKO!”

 

At sa pagkakataong ito, inantay ko ang mga luha na papatak.

 

Ngunit wala.

 

Wala nang luha.

 

Dahil wala na ang dating Lyka.

 

Hindi na siya buhay, at hindi na siya mabubuhay.

 

 

A Thousand MilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon