Maladies and Remedies

18 2 0
                                        

             #Maladies#

        Science can’t explain our situation. Medical knowledge can’t explain our status. Malady, isang sakit na hindi curable dahil walang gamot, yun daw ang tinataglay namin.

Nakakainis pakinggan ang bansag sa bawat Infinitus na meron ang mga katulad ko.

        For instance kapag may fire Infinitus ka, anak ka raw ng demon. Kapag raw nagtaglay ng kapangyarihan ng apoy ay dahil hindi madasalin ang mga magulang mo. Dahil sa hindi raw nasikatan ng liwanag ng pananampalataya kay he or she was claimed by the devil. Ouch ang sakit naman, and to consider na ang nasa class nila ang higher superiority ng lahat ng class.

         Kapag naman ipinanganak ka na may water and air Infinitus, anak ka ng halimaw. Isa kang monster, anak ng hindi maintindihan. Kapag marunong kang mag control ng tubig may dala ka raw problema na umaapaw. Kapag hangin naman, masama raw ang ugali ng mga magulang mo. Mataas mangarap, masyadong mataas.

          Kung akala mo ligtas ang mga katulad ko na may hollow ability, puwes nagkakamali ka. Kapag naging seer ka, pasok ka sa category ng mga baliw. Ikaw ba naman magsalita sa hangin, pano yung nakikita mo hindi nila makita. Isa pa ang tapang mo makipag-usap sa multo, eh paramdam lang tumatakbo na ang normal na tao. May katok ka sa utak, yun ang first impression sa iyo.

       #Remedies#

           Kaya ang iba’t-ibang Remedy na ang inoffer ng community sa mga katulad ko. Kapag ipinanganak ka na may apoy, buhusan daw agad ng holy water, kapag tubig ang kalaban tirikan dawn g kandila, kapag hangin sabitan ng isang korona ng bawang sa katawan. At kapag nakakakita raw ng patay, lagyan  ng holy cross sa katawan. Kapag lahat ng ito ay nag fail magsisimula na silang magsisihan. 

           Hayy! Basta ang alam ko ang nagiisang remedy ay ang nagawa ng parents ko. Hindi ito sakit kaya hindi kailangan ng cure. Ang kaylangan naming ay mga taong magtuturo at mag-gaguide sa amin. Mahirap man ipaliwanag sa lahat ng tao sa mundo, but the fact is we are all sent here by one God, and we are all sent to fulfill a journey, it’s just up to us kung how we will interpret the situation.

            Maraming pwedeng sabihin ang tao, pero walang pwedeng magsabi kung ano ang  totoo. Gumagalaw lahat tayo sa mundo na puno ng kasinungalingan. Ito ang buhay, ito man ay kasinungalingan o katotohanan, ikaw lang ang pwedeng magsabi.

A Thousand MilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon