Deal

10 0 0
                                    

 

    On the last three days before the graduation ceremony I got a letter; sa isang taong hindi ko inaasahan; ang sulat ay mula sa bagong mentor namin. 

 

 

     I found the letter on my study table nang dumating ako sa bahay. The maids told me na personal na dinala iyon ng aking mentor at hiniling sa kanila na ibigay sa akin, at dahil medyo late na akong dumating ipinatong nalang nila iyon sa study table ko.

 

 

    Curious and a bit annoyed I locked the door and started opening the envelope. The paper was old and the letter was written with ink. How old fashion, he’s the only one I can think of writing this kind of letter. What comes next surprises me.

 

Leon If you want to see her again meet me at the center of the cemetery at exact twelve midnight. I’ll be waiting! 

 

 

 

Her?!

 

 

 

 

I look at the clock on my wall, it reads 11:55 pm. Five minutes at it will be exactly twelve. Her, means Lyka. Sino ba ang taong ito at bakit niya alam na gusto ko siyang makita ulit? 

I put down the letter and get my coat and rush outside.

 

 

 

 

 

 

Para akong isang tanga na nakikipagkarerahan sa kamay ng orasan. Ano ang kaya niyang gawin para maibalik sa akin? Seryoso ba siya? Sino  ka ba? Ang mga tanong na umiikot sa utak ko habang tumatakbo ako papunta sa school cemetery. Taranta pero excited, hindi ko alam ang feelings na ito, ang alam ko lang excited akong makita siya.

 

 

 

 

 

I arrive at the center of the cemetery exact twelve and there he was; the  author; the writer; the key.

 

 

 

 

 

“Akala ko hindi ka na dadating?” Ang bungad niyang sagot.

“Sino ka ba?” Ang biglang tanong ko.

“Leon gusto mo bang bumalik siya sa iyo?” Mariin niyang tanong.

“Hindi mo pa ako sinsagot, sino ka at bakit alam mo ang tungkol sa kanya?” Ang ulit kong tanong.

“Sagutin mo ako at sasagutin kita.”

“Oo gusto ko siyang bumalik!” Ang mariin kong sagot.

“Fair enough! Ilagay nalang natin sa ganitong explenasyon kung sino ako. Sabihin nalang natin na ako ay isang nilalang na malayo sa mga katulad ninyo. May kakayahan akong magbalik nang nawawala, at magbalik nang taong matagal nang nawala; at gusto kitang tulungan.”

“Bakit?” Ang aking tanong.

“Bakit ano?” 

“Bakit gusto mo akong tulungan?”

“Dahil gusto ka niyang makasama.”

“Papaano mo iyon nalaman?”

“Dahil alam ko kung nasaan siya!”

“Papaano mo siya ibabalik?”

“Hindi ako, ikaw ang mas may kakayahang ibalik siya!” Ang confirmation niya habang nagliliwanag ang kanyang mga mata.

 

At sa mga huling salita na iyon, muling umikot ang buhay ko. Muli, nagkaroon ng kulay ang buhay ko.

 

“Papaano ko siya ibabalik?” Ang desidedo kong tanong.

“Makinig ka at sasabihin ko sa iyo.”

 

 

A Thousand MilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon