“Kung ako sa iyo hindi ko sila lalapitan!” Ang sabi ng isang paawit na tinig. Malamyos at malamig sa pandinig.
Napatigil ako at napalingon sa aking likuran. Iyon ang aming unang tagpo. Isang magandang babae na nakadamit ng kalahating puti at kalahating itim. Kawangis ng kanyang damit ay ang pakpak sa kanyang likod, sa kanan ay puti at sa kaliwa ay itim. Di hamak na mas malaki siya sa akin, kaparis siya ng laki ng dalawang bantay sa gate.
Napakaganda niya na hindi mo siya maikumpara sa kahit sino, sa kanyang kamay ay may hawak siyang papel at pluma. Ang kanyang buhok ay maalon na kulay ng raven, itim tulad ng sa gabi. Ang kanyang mga mata ay animo bituin sa langit, maningning at kumikislap. Ang kulay nang kanyang balat ay parang sa rosas, at mapula ang kanyang mga labi. Sa saglit na panahon na iyon ay napatanga ako sa kanya.
“Tama iyan. Kapag nilapitan mo sila, ikaw ay magiging abo sa apoy nila. Ang sino mang lumapit sa pinto ng paraiso na walang kaukulang pahintulot at magiging kawalan.” Nakangiti niyang sabi.
Takot, yun ang naramdaman ng aking katawan. Alam ko na sa kabila ng mga ngiting iyon totoo ang babala na kanyang binigkas. nagsimula akong lumakad palayo sa gate na marikit, at papalapit sa kinaroroonan ng babaeng maganda. Nang maabot ko siya muli siyang nagwika.
“Papaano ka nakarating sa pwestong ito? Saan ka dumaan?” Takang tanong niya.
“Sa hagdang paikot! Hindi ko nga alam kung bakit nagpupumila ang lahat sa mahabang putting hagdan samantalang may isa pa naman.” Ang aking sagot.
“Ang tinutukoy mo bang hagdan ay iyong kulay ginto?” Takang tanong niya ulit.
“Opo, yun po! Nakita ko iyon ng tumawid ako sa mahabang tulay, kaya doon ako pumanhik.” Pagmamalaki kong sagot.
Napailing ang babae at sa kanyang muka bumakas ang lungkot.
“May nagawa po ba akong mali?” Pag-aalala kong tanong.
“Wala ngunit ang sitwasyon na iyon ay hindi maganda. Halika’t sundan mo ako at ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat."
Inabot niya ang kanyang kamay sa akin, at naglakad kami papalayo sa gate na iyon.
Makaraan ang ilang sandal naabot na namin ang aming pupuntahan. Isang gate ulit, kulay ginto, ngunit mas marikit ang gate na una kong nakita.
Pumasok kami sa loob nito at muli kaming naglakad. Sa pinakagitna ay isang hardin na puno ng bulaklak, iba’t ibang uri at lahat ay may natatanging bango. Sa gitna ng hardin ay may kulay itim at putting upuan na mahaba, sa bandang kaliwa nito ay hardin na walang bulaklak, ang nakatanim dito ay kandila, samo’t sari ang laki at kulay.
Sa kanan naman ay isang gintong timbangan. nang aabot namin ang upuan ay binitiwan na niya ang aking kamay at kami ay sabay na umupo.
Nang maging komportable na ako nagsimula na siyang magsalita habang binabasa ang kanyang papel na hawak.
“Lyka Lou Montess, age seventeen, height four eleven, may itim na buhok at asul na mata, iisang anak ni Gregory Montess at Angelica Bianca Flor Montess. Isang excellent student sa Greenlight Academy Mabait, masipag, palakaibigan. Mapagmahal na kasintahan ni Romeo at mabuting kaibigan ni Shanel. Sa kabuuan ikaw ay nabuhay ng masaya at kuntento. Cause of Death ; Unknown.” Ang malungkot na wika niya.
CAUSE OF DEATH?
DEATH?
PATAY NA AKO?
PATAY NA AKO!
Nang maunawaan ko ang kanyang sinasabi ay nagulat ako sa aking sarili. Ang puting damit, ang mga taong naglalakad, ang mahabang tulay, ang hagdan, ang ulap at mga taong may pakpak. Patay na ako! At nasa langit na ako.
Hindi ito totoo! Hindi ako makapaniwala!
“Hindi ito totoo! Panaginip lang ito!” Ang panic mode kong sabi sa aking sarili.
Tama! Kapag ipinikit ko ang aking mga mata, at pagdilat ko nasa kama ko ako at nananaginip lang. Dali-dali kong ipinikit ang aking mga mata, at dahan-dahan ko itong iminulat.
Ngunit totoo ito! Andito parin ako sa upuan at kaharap ang babae na may pakpak, kaharap ko parin ang anghel.
“Alam ko ang nararamdaman mo Lyka. Alam ko na nabigla ka rin. Lyka natatandaan mo ba kung bakit ka napunta rito?” Mahinahon niyang tanong.
“Hindi po! Ang alam ko lang pumikit ako at nang magising ako nasa gitna na ako ng daan.” Paamin kong sagot.
“Tama ang aking hinala. Ang pagkakita mo sa gintong spiral ladder ay indikasyon na ang iyong pagkamatay ay hindi naitala sa talaan.” Paliwanag niya sa akin.
“Sino ka ba? At bakit mo ako dinala rito?” Tanong ko habang lito.
“Ako si Cornelia, ako ang Death Angel. Sa akin napupunta ang mga tulad mong kaso. Ang mga kaluluwa na hindi alam ang kamatayan ngunit nakakatawid sa tulay. Ako ang tumatanggap sa katulad ng iyong kaso, mga namatay ng hindi kagagawan ng karamdaman. Lyka, nang ikaw ay bawian ng buhay sa hindi tamang panahon ang aming talaan ay nagkaroon ng malaking problema na naging dahilan ng hindi pagkakatala ng mga huli mong buhay sa mundo. Lyka isa kang ligaw na kaluluwa.” Ang paliwanag niya sa akin.
“Anong mangyayari sa akin?” Nag-aalala kong tanong.
“Lyka ang ligaw na kaluluwa ay hindi maaring pumasok sa pinto ng kalangitan, sa paraiso. Ang bawat ligaw na kaluluwa na nakatatawid sa tulay ay dinadala sa akin ng hagdan na iyon upang mapagdesisyonan ang gagawin sa kanila. Ang bawat kaluluwa ay may dapat patunguhan. Ang sa iyong kaso Lyka ay kakaiba. Masdan mo ang timbangan, nakatigil ito sa gitna, isang indikasyon na ang iyong buhay ay balance, ngunit ang iyong kandila ang bumagabag sa akin. Hindi pa ito tunaw, ang apoy nito ay patuloy na nagniningas, ngunit napalitan ang kulay nito mula sa puti papuntang asul. Sa ganitong sitwasyon isa lang ang maaring magsabi ng iyong huling kapalaran.” Paliwanag ni Cornelia sa akin.
Hindi ko man lubos na maunawaan ang kanyang sinasabi tumango na lamang ako.
“Halika, oras na para makilala mo ang nag-iisang may kapangyarihan na maaring magtapos o magsimula ng iyong kapalaran!” Nakangiti niyang wika.
Muli kinuha niya ang aking kamay at sa lumabas na kami sa lugar na iyon. Isang gintong karwahe na may kabayong may pakpak ang nag-iintay sa labas ng gate. Sumakay kami rito at palayo sa gate na iyon, napaisip ako kung saan ang aming susunod na destinasyon.
Mahaba ang inilipad ng kabayo, malayo ang lugar na aming pupuntahan. Sa aming daan papunta sa sinasabi ni Cornelia na makapangyarihan, itinuro at ipinaliwanag niya ang aming bawat dinadaanan.
“Ang magandang hardin na iyan ay ang Hardin ng mga Bulaklak, diyan naninirahan ang mga Santas na, ang sunod ay ang Dambana ng mga Santos, sa gawing kaliwa ay ang Belen kung saan naroon ang Tala. Ang sunod na daraanan natin ay ang Pitong Paraiso. Ang una ay ang Paraiso ng mga Patay, sunod ay ang Paraiso ng mga Kerubin, ang Paraiso ng Alkapin, ang Paraiso ng mga Natatangi, ang Paraiso ng mga Anghel, ang Paraiso ng mga Arkanghel, at ang huli ay ang Paraiso Eternal. Matapos iyon ay ang Dambana ng mga Rosas, ang mismong tirahan ng Mahal na Ina, ang Ina ng lahat mas kilala siya bilang Maria. Ang sunod ay ang Kanang Luklukan, kung saan mo matatagpuan ang Trono ng Anak. Sunod ay ang Dambana ng Liwanag, ang tirahan ng Ikatlong Persona. At sa dulo ng lahat ay ang Paraiso ng Ama.”
Nang matapos siyang magsalita tumigil ang karwahe.
BINABASA MO ANG
A Thousand Miles
RomanceI'm Leon and I'm A SEER! I'm Lyka and I'm a GHOST! SEER + GHOST = TROUBLE? A seer that was in search for ACCEPTANCE, a ghost that is in search of her last life memory, and a hundred days to fall in love. That makes a lifetime of waiting and realizat...