Honestly hindi ko alam kung nasaan ako. All I can remember is that I shut my eyes, at nakatulog ako. Tapos tahimik na lahat. Nagmanhid ang buo kong katawan, para akong isang batong a nakatigil sa isang lugar na hindi ko matandaan.
When I woke up nagulat nalang ako sa scene na nakita ko. I stand up sa isang kalsada wearing a white dress with green ribbon sa neckline. Masyadong maliwanag, at first I have to adjust my eyes para makita ko ang paligid ng maayos.
Nang maging maayos ang aking vision I understood bakit ako nasa gitna ng kalsada na puti. Mukang nakatulog ako sa mismong gitna ng kalsadang ito. Ang weird ngunit tumayo ako at nagpagpag ng sarili ko. Muka namang malinis ako at walang alikabok. Nakapaa ako ngunit madulas ang daan, hindi masakit tungtungan.
Nang pakiramdam ko nakabalik na ako sa aking balance nagsimula akong lumakad sa kalsadang banyaga sa aking mga mata.
“Bakit ang liwanag? Bakit puro puti lang ang kulay?” Takang tanong ko sa aking sarili.
Hindi kalayuan sa aking paglalakad nakakita ako sa wakas ng mga taong naglalakad din. Kaparehas ng aking sitwasyon at lahat sila ay nakaputi. Tumakbo ako papalapit sa kanila. Lahat sila ay nakapila at naglalakad.
“Mama saan po kayo pupunta?” Tanong ko sa isang lalaki na naka polo na puti at pantaloon na puti. Ngunit hindi siya umimik.
Lapit ulit ako sa kasunod niya; “Ate saan po ba ito papunta?” Nilingon niya ako, ngunit hindi siya sumagot.
Lahat ng lapitan ko at tanungin ay hindi umiimik, may ngumingiti, mayroon namang parang walang nakita. Patuloy sila sa paglakad. Pagkaraan ng ilang tanong na walang sagot tumigil na rin ako. Tinitingnan ko nalang sila habang nakahinto ako at sila ay patuloy sa paglalakad.
Hindi kalayuan sa aking hinihintuan nakita ko ang dahilan ng kanilang paglalakad. Isang mahabang hagdan ang nakapukaw sa aking paningin. Lahat sila ay tumatawid sa isang napakahabang tulay at sa kanan nito ay ang hagdan.
Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit kaylangan nilang akyatin ang mahabang hagdan na iyon, ngunit sa kilos nila, mukang mahalaga ang kanilang gagawin. Lito at medyo curious sinundan ko ang pila ng mga tao.
Nang makatawid ako sa mahabang tulay na may putting tubig sa ibaba mayroon akong napansin sa aking kaliwa. Isang hagdan na spiral at mukang luma. Sa aking pagtataka lumapit ako rito.
“Bakit walang napunta sa gawing ito? Bakit sila nagsisiksikan sa isang hagdan samantalang narito pa ang isa at walang taong napanik?” Takang tanong ko ulit sa aking sarili.
Maliit ang hagdang ito at paikot. Wari ko ay mas maikli ito sa hagdan na pinapanhik ng karamihan. Muka na rin itong luma at antigo. Maganda ang hawakan nito, yun bang klase na makikita mo sa mga lumang pelikula ng mga hari at reyna.
Kulay lumang ginto ang hagdang ito. Walang bahid duda kung saan ako patungo nagsimula akong pumanhik sa hagdan.
Mga ilang minute ang nakalipas naabot ko ang hangganan nito. Tama ako mas maikli ang hagdang ito kumpara sa hagdan na pinanhik ng mga taong nakita ko. Napangiti ako sa accomplishment na ito. Sa dulo ng hagdan ay animo nakatuntong ako sa ulap.
Mas doble ang liwanag rito, sa una wala akong makita na kahit ano,maliban sa ulap na tinutungtungan ko. Pagkaraan ng ilang sandal natanaw ko ang isang pagkalakilaking gate. Dali-dali ko itong nilapitan, at namangha ako sa tumambad sa akin. Isang gate na doble ang tayog sa poste ng ilaw. Kulay ginto ito, makintab at malinis.
Isang gate na ang istilo ay makikita mo lamang sa mga libro ng fairytale at enhanted story books. Nang lumapit ako napansin ko na sa dalawang gilid nito ay may nakatayong dalawang pagkalakilaking tao na may ginintuang pakpak.
Nakasuot sila kawangis ng sundalo sa sinaunang Roma. Sa kanilang kamay ay mayroon silang hawak na apoy na espada. Guard, yun sila, tagapagbantay ng nasa likod ng gate na iyon. Walang pasubali ay nagsimula akong lumakad papalapit.
Tatlong hakbang nalang at maabot ko na ang mga guard na may pakpak ng marinig ko ang isang tinig.
BINABASA MO ANG
A Thousand Miles
RomansaI'm Leon and I'm A SEER! I'm Lyka and I'm a GHOST! SEER + GHOST = TROUBLE? A seer that was in search for ACCEPTANCE, a ghost that is in search of her last life memory, and a hundred days to fall in love. That makes a lifetime of waiting and realizat...
