The Comeback

12 1 0
                                        

                   Pagkaraan ng ilang oras nagising na ako. Para akong naalog at muka naman na okay naman ako. Tumayo ako at pinagmasdan ko ang lugar. Nakatayo ako sa isang park, at sa aking calculation it must be seven na ng gabi. Nagsimula akong maglakad sa kahabaan ng park na iyon.

                    Familiar sa akin ang lugar habang lumilinaw ang aking paningin. Ang park na ito ay hindi kalayuan sa bahay namin. Excited at nakalimutan ko ang sitwasyon ko nagsimula akong tumakbo papunta sa direksyon na alam ko. Hindi ako nagkamali ilang sandal lang ay nakatayo ako sa gate ng aming bahay. 

                   Hindi parin ito nagbabago, ang gate ay naroon parin, ang arko ng violets na nakatayo sa pagitan ng gate, ang bulaklak na nakalaylay papasok sa aming trangkahan. Nagsimula akong lumakad. Ang bawat daanan ko ay pareho parin sa aking pagkakatanda. Ang nakakatuwa ay nahahawakan ko ang lahat. Nararamdaman ko ang halaman at ang kahoy. Tama si Cornelia, nakabalik ako na parang walang nagyari sa akin. 

                     Ang pinto na yari sa mahogany na may ukit ng aming apelyido, MONTESS, ang bawat linya ay aking hinaplos. Hindi ko alam kung bakit, ngunit masakit ang naramdaman ko. Sinubukan kong kumatok sa pinto. Hindi tumagos ang aking kamay. Tatlong ulit ng katok at naramdaman kong may nagbubukas ng pinto. Nang ito ay bumukas, nakita ko ang aking mama.

               “Mama! Nakauwi na ako!” Ang masaya kong sabi.

          Ngunit hindi niya ako narinig. Hindi rin niya ako nakikita. 

              “Mama andito ako!” Sigaw ko sa kanya.

         Ngunit kahit anong lakas ng aking sigaw, hindi niya parin ako marinig.

            “Mama sino iyan?” Ang tanong ng tinig sa may sala.

             “Wala! Nagkamali lang siguro ako!” Ang sagot niya pabalik.

          Nang isasara na ni mama ang pinto dali-dali akong pumasok. Nag-iba na ang bahay. Sa loob nawala ang masasayang decorations. Napalitan ito ng malungkot na mga bagay. Ang aking larawan ay nakahilera sa lahat ng sulok ng bahay. Sinundan ko si mama sa may sala, malaki ang pinagbago nito. Wala na ang t.v. sa gitna ng sala, ang naroon ay ang malaking letrato ko. Sa may sofa nakaupo ang aking ama.

            “Sino ang kumatok sa pinto?” Tanong niya kay mama.

             “Wala namang tao. Siguro ay sobrang umaasa lang ako, na baka… na baka ang anak mo ang kumatok, na nakauwi na siya!” Ang sabi ni mama habang umiiyak.

              “Tahan na, makikita rin natin siya.” Ang sabi ni papa kay mama sabay yakap sa kanya.

              “Greg tatlong buwan na siyang nawawala. Tatlong buwan na tayong naghahanap, pero hindi parin natin siya makita. Natatakot na ako Greg, papaano kung may nangyari nang masama sa anak natin.” Ang hagulgol na salita ni mama.

             Hindi na nagsalita si papa, niyakap nalang niya si mama at sa kanyang mga mata ay may luhang tumulo. Three months, ganon na pala katagal ang pagkawala ko.

Ang nakakalungkot lang ay hanggang ngayon hindi alam ni mama at papa na patay na ako. Naghahanap sila sa isang taong impossible nang makita. Ako nga hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari sa akin, papaano pa sila.

              Gusto kong magsalita, pero alam ko na hindi naman nila ako maririnig, kaya malungkot nalang akong lumakad palayo sa kanila. Umakyat ako sa hagdan patungo sa isang lugar na alam ko, sa aking kwarto. Wala parin nabago, ang ayos ng higaan, ang kulay dilaw na kurtina, ang mga libro ko. Andoon parin sila sa dati nilang kinalalagyan bago ako umalis. Naupo ako sa dulo ng kama ko na may putting bedsheet at red na kumot.

Nakauwi na ako, pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nagyari. Takip mata akong umiyak. Kahit saglit lang dito muna ako. Nang ilang saglit pa, naramdaman ko na may nagbukas ng pinto. Kasabay ng pagbuka nito ay ang pagbukas ng ilaw. Si mama, siya ang nakatayo malapit sa switch ng ilaw.

               “Matulog na tayo, bukas ulit, baka bukas makita na natin siya!” Ang matatag na tinig ni papa.

                “Oo susunod na ako, bubuksan ko lang ang ilaw dito. Alam mo naman na ayaw ni Lyka ang patay ang ilaw, takot siya sa dilim. Mamaya umuwi siya tapos dumiretso siya dito sa kwarto. Kapag dinatnan niyang walang ilaw ang kwarto niya magagalit yon.” Ang tugon ni mama kay papa.

                Nakatitig lang ako sa kanya habang pinagmamasdan niya ang aking kwarto. pagkaraan ng ilang saglit, isinara na niya ang pinto.

                 Tumayo ako sa aking higaan, at sa aking study table kung saan naroon ang aking computer, binuksan ko ito. Kung hindi nila ako marinig, maaring mabasa nila ang aking sulat. Kahit hindi ko alam kung it will work, I tried pa din. Sa monitor ng screen ng computer I started to type:

        “Mama, Papa, si Lyka po ito! Namimiss ko na po kayo, pero I’m afraid I can’t go back. Masyado nang malayo ang pinuntahan ko, na kahit ako hindi ko rin alam papaano ako nakapunta. Don’t find me, it will be a waste of time. Don’t cry for me, it will be a waste of energy. Don’t hope for me, that will be  waste of wish. Mama keep going on, Papa move on. Wag na po kayong mag-alala, wherever I am right now, I’ll be fine. I’ll see you, soon but not now. I love you!  From your daughter, Lyka.”

                   As I type my name on the last part, it seems like she and I where a both different person. Hindi ko na pinatay ang computer, tomorrow hopefully they will read it. Sa ganoon hindi na sila magaantay, sa ganoon hindi na sila aasa.

                    I open the door, shut it quietly. I started walking palabas ng bahay, with that hindi na ako lumingon. kung saan ako pupunta hindi ko rin alam.

A Thousand MilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon