Chapter 22- The Stupid

261 7 0
                                    

Chapter 22- The Stupid

Alexandrea’s POV

Nagising na lang ako na nasa bahay na ko at nasa sariling kwarto na, Hindi ko alam kung anong sinabi ni Lance kay mama kung bakit hinatid niya ko ng tulog pero sana hindi niya sinabi yung totoong dahilan.

Nakatanggap ako ng text mula kay Kiel kaninang ga 3:00am na makikipag-kita siya sakin ngayong Sunday sa malapit na Restaurant sa School naming para makapagLunch na din daw . kaya pumayag na ko para magkalinawan narin kaming lahat.

Inayos ko na yung sarili ko at napansin kong namamaga parin pala yung mga mata ko, Ganun daw talaga kapag umiyak ka at nakatulog. Nagbihis lang ako ng simpleng damit at lumabas na ng kwarto ko . Pag dating ko sa sala naming nakita ko si Mama na nanonood ng TV kaya tumabi ako dito.

‘’Good Morning ma’’- Nakangiti kong  bati dito

‘’Nak , Anong ginawa sayo ng Ezekiel na yun?’’- Agad na tanong sakin ni mama, Kaya napatingin ako dito.

‘’Ma wala po yun, May konting tampuhan lang po kami kaya po magkikita po kami ngayon para mag-usap’’- Sagot ko dito pero hinarap lang niya ko ng may seryosong mukha.

‘’Mag sinungaling kana sa lahat Alex wag lang sakin , Kasi anak kita at kilala kita, Sabihin mo anong nangyari’’-Seryosong sabi sakin ni mama kaya hindi na ko nagdalawang-isip pang sabihin kay mama ang totoo.

‘’Ma, Once ba na lokohin ka ng isang tao na sobrang mahal mo pagbibigyan mo pa ba?’’- Tanong ko dito ng medyo pinipigil ang iyak ko.

‘’Anak pwede mo siyang pagbigyan pero hindi mo naman masasabi na hindi na niya yun mauulit diba?’’- Sagot naman sakin ni mama.

‘’Ma hindi ko pa naman po naririnig yung mga reasons niya eh kaya po makikipag-kita ako ngayon’’- Sabi ko naman kay mama.

‘’Yun nga anak eh, Hindi mo pa naririnig pero nasasaktan kana, Kung ganyan lang din naman tama na , Itigil niyo ng dalawa’’- Seryosong sabi sakin ni mama

‘’Sige ma susubukan ko tong ayusin, Salamat po’’- Niyakap ko si mama at tumayo na.

‘’Ingat ka Alex, Kaya mo yan’’- Sagot naman ni mama.

Umalis na ko ng bahay at pumunta na sa Restaurant na napag-usapan namin 11:55 narin kasi kaya baka nandun na siya.

At pag-dating ko naman dun nakita ko na siyang naka-upo sa isang tabi. Kaya umupo na ko sa harapan niya at tiningnan lang siya ng diretso, Sa totoo lang ayaw ko pa siyang makita eh kasi baka masaktan ko lang siya at umiyak na naman ako -.-.

‘’Alex’’- Mahina niyang pag-uumpisa

‘’Kiel’’- Sagot ko naman dito.

‘’Tungkol dun sa narinig mo Alex…’’

‘’Ano, Babae mo?’’- Agad kong tanong dito.

‘’Alex pakinggan mo muna ko oh’’- Sagot niya sakin kaya tiningnan ko nalang muna siya. ‘’Alex , Si Crystal, Si Crystal yung naka-usap mo isa sa kaibigan ko ‘’- Huminto siya at tiningnan din ako sabay hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa mesa na nasa harap naming dalawa

‘’Wag mo kong hawakan!, Kaibigan? O baka Kai-bigan? , Wag mo nga akong pinaglololoko Kiel, Alam mo yung masakit don? Hindi yung narinig ko eh kasi yung alam ko sa sarili ko na hindi naman ako naging mahigpit sayo at halos inaaway-away ko na yung mga kaibigan ko dahil hinuhusgahan ka pero ito lang yung igaganti mo sakin? Halimaw ka’’ Seryoso kong sagot dito kaya napatulala siya sakin.

‘’A-Alex hindi makinig ka, Ka-kaibigan ko lang si Crystal, Nung time na naka-usap mo siya yun yung Advise sa-sakin, Nang hingi kasi ako ng Advise sakanya na kung anong gagawin ko napapalapit kana kasi kay Luhan eh natakot ako ng baka mahulog kana sakanya na baka iwan mo na ko…’’

My Life With EXO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon