Chapter 24: *Fieldtrip/ 3months? < 3

317 5 0
                                    

[a/n: Hello guys sobrang tagal kong nawala :) nagkaproblema lang kasi sa time basta eto na ulit ako enjoy sa pagbabasa]

-Hyunna

 

Chapter 24- Our Fieldtrip/ 3months with him? <3

[Suho’s POV]

‘’Naayos niyo na ba yang mga dadalhin niyo?’’- Pumasok ako sa kwarto ni Tao kung saan nandun sina Kai,Sehun kasama si Tao.

‘’Wait lang yung teddy panda ko di ko makita’’- Sagot ni Tao habang naghahalungkat sa kwarto niya.

‘’Nako , Iiwan ka na namin wag mo na kasing dalhin yun!’’- Reklamo sakanya ni Sehun na halatang kanina pa readyng-ready.

‘’Ano kaba hindi yan makaka-tulog ng wala yung panda na yun’’- Tumayo si Kai at kinuha na yung bag na dadalhin niya

‘’Bilisan mo na Tao hinahanap ka na rin ni Kris dun’’- Sabi ko sakanya, Nilapitan ko na rin siya para tulungan ng maghanap

‘’Intayin ko nalang kayo sa baba ah’’- Lumabas na si Kai para samahan na yung iba sa baba.

Nang makita na namin yung teddy bear ni Tao, Sabay-sabay na kaming bumaba nila Sehun at nakita naman namin yung iba na naka-upo sa sofa.

‘’Ano tara na?’’- Tumayo si Kris at binuhat na yung dalawang bag na dadalhin niya para sa two days namin sa fieldtrip.

Kaya tumayo na rin yung iba at sumunod na kaming lahat sa paglabas ng bahay ni Kris.Ng makasakay na kami sa sasakyan namin umalis na rin naman kaagad kami para hindi na mahuli sa pupuntahan namin.

‘’Tss’’- Napalingon ako kay Luhan bigla-bigla nalang kasi siyang nagsasalita nagse-Cellphone lang naman
Napatingin naman ako kay Kris na katabi ko lang naman.

‘’Bakit Kris may problema?’’- Agad rin naman siyang napatingin sakin at ngumiti

‘’Wala, Si Chloe kasi nagsabi na baka hindi siya makapunta’’- Tinapik ko naman yung likuran niya at ngumiti rin

‘’Ikaw ah, Lumalove-life kana!, Pero hayaan mo Kris baka pa lang naman diba kaya may posibility pa rin na makasama siya’’- Pagpapalakas ko ng loob dito

‘’Salamat’’

[Alexandrea’s POV]

Sinundo ako ni Kiel sa bahay ng may dalang flowers, Nagplano pa naman ako na kunyari hindi ko naaalala yung monthsarry namin pero wala eh binati niya kaagad ako pagkapasok na pagkapasok niya ng pintuan ng bahay namin.
Papunta na kami ng school ng bigla kong kalabitin si Kiel.

‘’Kiel, Picture tayo kasama yung flower’’- Napatingin siya sakin at ngumiti

‘’Sure’’ Sagot niya sakin at inakbayan ako

Nilabas ko yung phone ko at nagpicture na kami ni Kiel and after that pinost ko na kaagad yun sa Facebook siyempre with Description.

----------------------------------------------------------
The days were better when we were together
#3monthswithhim
[photo]
-----------------------------------------------------------

After nun bumaba na kami ng kotse ni Kiel dahil nandito na kami sa school at Excited na ko. Sinalubong naman ako ni Sam and ni Lance.

‘’Alex!’’- Sigaw sakin ni Sam ng nakangiti.

My Life With EXO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon