[A/N: Sorry sa pagaantay guys :) Comment kayo para naman madedicate ko sainyo updates ko salamaat enjoy reading <3]
Chapter 28
Alex’s POV
Kasalukuyang nandito ako sa shop ng starbucks na pinagt-trabahu-han ko upang ibalita sa kanila ang pag-alis ko bukas habang pilit kong ipinapaliwanag sakanila kung ano ang mga naging dahilan ko para gawin ang mga bagay na ito.
‘’Ate Krisha tatapusin ko lang po sa Italy yung collage ko then I’ll come back kaya kailangan ko na pong umalis sa trabaho na ‘to isa pa ilang months narin akong paputol-putol kung pumasok’’ Pag-ulit ko sa kanina ko pang ipinapaliwanag sakanila ni Kuya Jake
‘’Okay sorry pero if you need a work starbucks is always here, Welcome ka pa rin okay? Mag-iingat ka sa Italy baby ah? Mamimiss ka talaga namin’’ Sagot naman niya ng may tila namumuong luha sa mga mata nito pero bakas parin dito ang mga pilit na ngiti‘’Oo nga Alex tumawag ka lang sa’min kung kailangan mo ng gwapong kausap okay? Nandito ako’’ Dagdag pa nitong si Kuya Jake
Tumawa kaming lahat at muli ko silang niyakap dalawa ‘’Oo Kuya tatawag ako sa gwapong tulad mo kapag kinakailangan , Last mo na ‘to kuya ah?’’ Muli kaming nagtawanan at sa huling sandali bago ako umalis sa shop ay niyakap ko sila ng sobrang higpit
‘’Sige Ate Krisha, Kuya Jake aalis na ko ingat kayo palagi ah mamimiss ko kayo’’ Tumalikod na ‘ko sa shop at naglakad papalayo dito ng bigla akong may nakabangga at tumapon ang coffee na hawak ko.
‘’Nako sorry miss hindi ko sinasadya sorry hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko sorry’’ Ngumiti ako at pinigilan siya sa pagpupunas ng damit ko na natalsikan ng coffee
‘’It’s okay it’s just a coffee’’ Pero ng i-angat niya ang tingin niya biglang naglaho ang ngiti ‘ko at parang gusto kong bawiin ang mga salitang nabitawan ko.
‘’Alex’’ Nakatulala niyang saad ng makita niya ako parehas kami na nagulat sa muli naming pagkikita
‘’Oh Kiel’’
‘’Sorry..’’ Muli niyang iniyuko ang ulo niya at iniabot sa’akin ang tissue na hawak niya
‘’Don’t be coffee lang yan, Sa susunod tingnan mo nalang ang mga taong nababangga mo kasi hindi mo alam sa simpleng pagbangga mo nakakasakit kana’’ Nginitian ko siya at tatalikod na sana ng hawakan niya ang wrist ko he pulled me to faced him.
‘’Pwede ba tayong mag-usap?...’’ Nilingon ko siya at nagbigay ng ‘Why’ look ‘’Habang hindi pa dumadating si Crystal’’
‘’Pangpalipas oras? no Kiel hindi na’’ Agad kong sagot ng sabihin niya ang mga katagang ‘yon