[A/N: Hello Guys :) At dahil mahal na mahal ko kayo I'm here again >,< ENJOY READING EXOTICS'']
Chapter 27
Alex’s POV
Nandito ako sa taxi at binabaybay ang traffic sa EDSA makikipagkita kasi ako ngayon sa parents ni Sophia para ipakita nila sakin ang church and venue ng reception so that makita ko na kung paano ko gagawan ng paraan na mapaganda ang kasal nila ni Luhan.
Pero sa sobrang traffic siguradong malelate ako nakakainis lang kaya I texted Sophia para sabihin na mal-late ako.
Alex: Sophia super traffic kasi dito sa EDSA wala ng shortcut na madaanan so sorry if malate ako.
Sophia: Okay. Wala pa naman kami sa Church.
Alex: Sige salamat.
Ipinasok ko na yung phone ko sa bag at after 2 minutes nagvibrate muli ito kaya kinuha ko muli ito at inaakalang nagtext ulit si Sophia pero hindi yung fiancé niya pala ito.
Luhan: Alex, pwede ba tayong mag-usap ngayon? After meeting Sophia and her parents?
Alex: Why? About what?
Luhan: About us.
Alex: Okay malapit na ko sa church
Luhan: Take care <3
Hindi na ako nagreply hanggang sa makarating ako sa church at wala parin ang ni-isa na kanila kaya inilibot ko nalang yung paningin ko at namangha sa mga nakikita ko. Sobrang laki naman kasi talaga nitong simbahan para bang mansion at napakapeaceful talaga ng paligid.
‘’Iha nag-iisa ka ata’’ Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses na ito at nakita ko ang isang father na papalapit sakin ng nakangiti ‘’Magandang umaga sayo iha’’ I smiled back at him and he occupied the seat beside me.
‘’Good morning din po’’ Ibinalik ko ang tingin ko sa mga imahe sa harapan ko at tumango ‘’Father kapag mahal mo ba ang isang tao kailangan mong ipaglaban? Hindi ko po alam kung bakit ko itinatanong ito pero nahihirapan po kasi ako na sagutin ang sarili kong tanong not knowing na dapat ako ang sasagot nito’’
‘’Iha hindi na dapat tinatanong yan, hindi ka na dapat nagdadalawang isip na gawin ang mga bagay na iyan dahil kailangan ginagawa mo na yan kasi baka sa huli wala ka ng magawa para sa sarili mo o para sa taong mahal mo’’ Tumingin ako kay Father at ngumiti
‘’Pero paano po kung ako mismo yung walang laban, Father ikakasal na siya 1 month na lang po at ako pa po yung organizer ng kasal na yun. Father sabi niya mahal niya ako pero bakit ganito?’’ Pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil sa sakit.
Si Luhan ang naging dahilan kung bakit mabilis ang pagmo-move on ko at isa pa minahal ko siya dahil siya ang nakapagparamdam sakin kung ano ang totoong halaga ko ‘’Kung mahal niyo ang isa’t-isa walang magiging mahirap na pagsubok ang ibibigay sainyo ng diyos Alex’’ Napako ang tingin ko kay Father na papalayo na sa’akin bakit niya ko kilala?