Chapter 19: Admittance

2.3K 76 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 19


ADMITTANCE


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Huminga ng malalim si Chess habang nakatitig sa kayang repleksyon sa salamin. Ito ang araw na napagdesisyunan n'ya na kausapin ng masinsinan si Sander na itigil na ang panliligaw sa kanya dahil hindi n'ya kayang suklian ang pagmamahal na ibinubuhos nito sa kanya. 


"Puedes hacerlo! Puedes hacerlo!"-- 'kaya mo 'yan', iyon ang paulit-ulit na sambit ni Chess sa sarili. Of all the days, she needed the courage today. Kung nagawa n'a ngang harapi ang kanyang ina noon, ngayon pa kaya? Pero kasama n'ya si Sebastian noon.


Sebastian.


Pangalan na naman ng binata ang gumuguhit sa kanyang isipan. Ayaw man n'yang aminin ngunit nabihag na s'ya nito ng tuluyan. And it had to end. Dahil alam n'yang kapag pinatagal pa n'ya ito ay mas masasaktan si Sander kapa nalaman n'ya na ang kakambal nito ang gusto n'ya.


Narinig ni Chess ang doorbell, senyales na dumating na ang binata. Kabadong tinahak n'ya ang pintuan at binuksan iyon. Agad na nakita n'ya ang binata na may malawak na ngiti sa gwapo nitong mukha at ay bitbit na pink na carnations.


"Good morning, Chess," masayang bati nito sabay abot ng bulaklak sa kanya... ngunit hindi n'ya iyon tinanggap na s'yang pinagtataka ng binata.


"G-good morning din," hindi n'ya napigilang mautal. Parang umurong ang lakas na loob na iniipon n'ya simula ng imulat n'ya ang kanyang mga mata.


"Kasabay nga pala natin si Sebastian ngayon kasi nasira ang sasakyan ko pag-uwi ko. Okay lang ba?"


Chess felt her chest tightened. Even hearing his name was dangerous for her. "Listen, Sander... I need to talk to you."

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon