Chapter 17: Charm

2.2K 63 0
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 17


CHARM


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


"How did you know my number?" Muling tanong ni Sebastian sa dalagang nakaupo sa kanyang harapan.


Nag-angat ng tingin si Charm at lumandas ang sariling buhok nito mula sa kanyang balikat. Kinuha nito ang kutsarita sa hapag at marahang hinalo ang kape sa tasa.


"How do you think, Mr Fuentes?"


"I'd say you stalked me," aniya.


"But?" Nakangising tanong ni Charm. Animo'y alam na may kasunod na sasabihin ang binata.


Nag-krus ang mga braso ni Sebastian bago sumagot sa dalaga. "But you look like someone who would not resort to doing that."


Binaba ni Charm ang kutsarita at humigop ng kape bago muling ibinaba ang tasa at sumagot. "And why is that?"


"Let's admit it. You do have the looks, Ms Freed. It would be too obvious if you were stalking me since you get stalked yourself." Inangat ni Sebastian ang kanyang kanang braso at ipinakita na marami ang natingin sa kanilang direksyon.


Pinatong ni Charm ang kanyang mga braso sa mesa at lumapit ng kaunti. "Do I?"


"Have you not realized all the prying eyes in your direction?"


"I might... but I chose not to think about it."


Sumandal si Sebastian at pinagmasdan ang dalaga. "You know what, you look quite familiar."

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon