Chapter 6: Fears

3.6K 102 4
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 6

FEARS

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Nagmulat ng mga mata si Sander at hilong-hilong inabot ang kanyang phone sa lamesita. Pinindot niya ang homescreen button at nasilaw sa liwanag mula r'on.

Huwebes na. Isang linggo na mula noong ikinasal ang kapatid nila at bumalik sila sa Singapore. Ikalawang araw na rin mula noong pabalik-balik siya sa mahaba-habang tulog.

Pinindot ni Sander and timer sa cellphone n'ya at itinigil iyon. Nanghihinang napakamot siya ng ulo. Halos dalawampung oras na siyang nakatulog ngayon at kahapon ay nasa labing siyamna oras. Hindi na magandang senyales iyon. Mukhang lumalala na ang kondisyon niya.

Bumangon si Sander at hinanap ang numero ng doktor niya. Sinilip ni Sander ang labas ng kanyang silid at madilim na sa labas.

"Hello, Mr Fuentes?" panimula ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Hello, Dr. Sue. I just woke up from another episode," matamlay na sambit ni Sander sa Singaporean niyang doktor.

Nakarinig ng pagkaluskos si Sander sa kabilang linya. Mukhang kumuha ng panulat ang kanyang doktor.

"How long was it this time?" He felt very exhausted despite not doing anything productive in his time.

"Almost twenty hours. Yesterday was nineteen."

"Well, that's not a good sign. Your last episodes were also similar."

"What should I do?" nag-aalalang tanong ni Sander. Hindi s'ya kumportable ukol sa isyung iyon.

"I told you previously about it. For starters, you should tell your family about it."

Napasapo sa noo si Sander. Ang alam lang ng pamilya niya at matindi siyang magpuyat dahil sa online games kaya tulog na tulog siya kahit tanghaling tapat na.

"You know I can't do that."

"The choice is always yours, Mr. Fuentes. But soon, you won't even feel that you're going into an episode. I can't say when you won't even be able to click on that timer because you're already asleep."

"Just do something about it. That would be easier, right?"

"As I said before, we can only give you stimulants to alleviate your sleepiness but that's it. It's not something that surgery can fix."

"And that's ridiculous."

"I wish I could help you, Mr. Fuentes, but KLS is so unique that we need to study and do more tests to see if other medications will work. This is all I can do. I'm sorry."

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon