Chapter 52: Poignant

2.9K 87 6
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 52


POIGNANT


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


NAGMULAT si Sebastian ng mga mata mula sa isang masarap na tulog. Hindi pa kasi ito nakakatulog upang isakatuparan ang mga plano. Sinigurado nito na magtatagumpay ang kanyang mga plano kahit ano pa ang mangyari at maging kapalit. His ego and pride wouldn't let him loose.


Sebastian bought the shares for double the price of the market. Naging agresibo si Sebastian upang masiguradong makukuha n'ya ang gusto. Gamit ang impluwensya ng kanyang pamilya at sariling kakayanan, he decided that he will win them over.


And he did.


As a businessman, he knew what the others wanted. He knew how he should play his cards. He wasn't a Fuentes for nothing.


At gaya ng inaasahan, pinakanahirapan s'ya sa magulang ni Chess na nasa Espanya. Naging awkward iyon dahil taon na rin noong una n'yang nakilala ang ginang at isa pa, pinakilala s'ya ni Chess noon na kanyang kasintahan.


Mabuti na lamang at napapayag n'ya ang ina ni Chess na magka-usap sila agad bilang isang Fuentes at hindi dating nobyo ng dalaga. Minabuti ni Sebastian na hindi muna banggitin kay Mrs. Imperial na siya ang ama ni Rose. That may complicate the current situation and it wasn't the time for that yet.


Not yet.


Saka na lamang n'ya ito aaminin kapag naayos n'ya na ang kumpanya ng mga Imperial at nagka-ayos na sila ni Chess. Nais n'yang makilala ang isa pa n'yang anak at ayaw n'yang gamitan ng palihim na mga hakbang ito kung magagawa n'yang makausap ng maayos si Chess.


At dahil pitong oras ang una ng Pilipinas sa Espanya, ang kanilang video conference ay sinimulan n'ya ng 11 pm upang 4 pm sa Espanya. Ngunit ang kanilang pag-uusap ay tumagal ng apat na oras kaya't hindi nakapagpahinga si Sebastian sa dami ng kailang tapusin bago n'ya harapin si Chess.


Umikot si Sebastian at tumambad sa kanya ang mukha ni Chess na natutulog. Marahang inangat ni Sebastian ang kanyang kamay upang tanggalin ang ilang buhok na nasa may labi nito. Hindi maiwasan ni Sebastian ang mapatitig sa maamong mukha ni Chess.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon