Chapter 60: Dinner

2.8K 94 6
                                    

Gusto n'yo ba ng give-away book(s)? Check my message board! :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto n'yo ba ng give-away book(s)? Check my message board! :)

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 60


DINNER


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Pansin ni Chess noong lumabas sina Sebastian at ang kuya Ysiquel nito. Lalo s'yang kinabahan dahil nalagay s'ya sa spotlight. Iba ang spotlight sa pamilya ng binata kumpara sa spotlight kapag nasa runway.


Sa runway kasi, hindi n'ya kilala ang mga taong nanonood sa kanya. Mga estranghero ang mga nakapaligid. Hindi naman n'ya kinakailangan na makilala ang bawat isa sa mga manonood.


Ngunit iba ngayon. Nasa harap n'ya na mismo ang isa sa pinakatanyag at pinakamaimpluwensyang pamilya sa mundo. Hindi kagaya dati na sa telebisyon at sa net n'ya lamang nakikita.


Pinanood n'ya nang kinarga ni Belle si Knight at pinugpog ng halik. Tuwang-tuwa naman ang kanyang anak. Kita n'ya kung paano mapalagay ang kalooban ni Knight sa kanyang lola. Si Christian naman ay kinamayan nina Rev at Sammy.


Halatang-halata kung gaano nila kagusto ang mga bata. Masaya s'ya sa pakikitungo ng mga Fuentes sa kanila. Ngunit naiisip rin n'ya kung paano n'ya ba dapat pakikisamahan ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi n'ya lubos maisip na darating ang araw na iyon.


"Gosh, he's so cute, Sammy!" Ani Rev sa kanyang hipag.


"So true, ate Rev! Omg! Grabe rin ang puti n'ya! Maybe his mother is Snow White sa sobrang puti!"


Napansin ni Chess ang pagtayo ni Blake at paglapit sa asawa. Lutang ang matingkad na kulay ng mga mata nito na naka-pokus lamang sa kanyang misis.


"Calm down, babe," pinaglingkis ni Blake ang kanilang mga kamay upang maawat si Sammy kay Christian na mukhang hindi kumportable at sanay sa natatanggap na atensyon.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon