♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 5
OFF TO THE WEDDING
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
LUMABAS ang magkapatid na Fuentes sa private plane ng pamilya nila. Pilipinas ang destinasyon na hindi naman kalayuan sa Singapore. Mahigit tatlong oras ang biyahe at inubos na lamang ang oras sa panonood ng mga pelikula sa eroplano.
Sa labas ng airport ay nakahanda na ang sasakyan ni Sebastian. May dalawang lalaki ring naka-business suit at dalawang flight attendant ang naghihintay sa kanila.
"Good morning, Mr. Sebastian and Mr. Sander," bati nilang apat nang sabay-sabay sa mga binata.
"Sina dad?" agad na tanong Sebastian palapit sa kanila.
"Nakarating na po sa isang airport. On the way na sa hotel," magalang na sagot ng isang lalaki na tinanguhan nilang dalawa.
Nagtungo naman ang dalawang flight attendants sa likod ng sasakyan upang ilagay na ang mga gamit ng binata na ibinababa sa eroplano.
Hindi naman madami ang kanilang dala sapagkat may mga gamit na naman sila sa mansyon. Iyon nga lamang, may pabili ang kapatid na si Samara mula sa Singapore dahil wala pa itong maluwag na oras upang magliwaliw.
"Pinapasabi rin ni sir Kyle na sa hotel na raw kayo dumeretso. Naroroon na rin ang isusuot n'yo."
"At si Eman?"
"Kadadating lang po sa airport sa kabilang terminal."
"Kasama si Crys?"
"Hindi raw po."
"Magiging maingay na naman sa bahay," biro ni Sander.
"Panigurado. Yung isa naman ang matutuwa lalo na at matatali na si kuya," pagtukoy ni Sebastian sa isa pa nilang kakambal.
"You mean Sammy? Hindi ba pumunta ng Europe 'yon para sa modeling niya."
"Nope. Contract draft pa lang 'yon. Saka pa malalaman kung pupunta talaga s'ya," ani Sebastian. "Gising ka ba nung sinasabi ni mom 'yan last time?"
"Most probably."
Sumakay silang dalawa habang kinukuha ng staff doon ang gamit sa eroplano at maingat na nilagay sa likod ng sasakyan.
"Seb."
"O?"
"Sa palagay mo, matino kaya 'yong nabuntis ni kuya?" walang ganang tanong ni Sander sa kapatid.
Napangisi si Sebastian sa tanong. Mukhang hindi pa nito nakukumbinsi ang sarili na ikakasal na nga ang kuya nila.
Who would have thought na may magagalaw ito at kakailanganing panindigan? They wouldn't. Napakastirkto at sungit ng nakatatanda nilang kapatid.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
General Fiction|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...