♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 8
HAND-IN-HAND
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Dalawang araw na mula nang mawalan ng malay si Sander sa kalagitnaan ng laro nila. Dalawang araw na rin ang nakalilipas mula nang nalamang ni Sebastian ang tungkol sa sakit ng kakambal, ang Klein Levin Syndrome nito.
Kasalukuyan ay nasa condo nila si Sander at doon komportable na natutulog. Wala pang isang araw ay napagdesisyunan na ni Sebastian na iuwi ang kapatid upang hindi maisapubliko ang nangyayari. Siya lamang naman ang may susi sa bahay at gumagawa na lamang siya ng palusot kung may magtatanong sa kalagayan ng kapatid.
Laking pasasalamat niya na naintindihan ng basketball coach nila ang nangyari. Sinabi nito na nagpapahinga pa rin si Sander na abiso ng doktor nito. Nadismaya sila ngunit wala rin silang magagawa dahil isang Fuentes ang manlalaro nila.
Kilala sa buong unibersidad ang pamilya nila. Bukod pa rito, napapayag rin siya ng may-ari ng team na maglaro na muli dahil sa kamuntikan na silang natalo noong preliminaries.
Ngunit may ang tanong na patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan—hanggang kailan? Hanggang kailan niya kayang ipagpatuloy ang pagtatago? At kaya niya nga bang panindigan ang mga binitawang salita?
"Ayos lang ba si Sander?" nag-aalalang tanong ni Francheska sa binata nang magkita sila sa food court ng university.
"Ha? O-oo naman..."
"Talaga ba? Hindi ko kayo makontak after niyang mag-collapse sa court."
"Oo. Ayos lang siya. Nagpapahinga na lang siya sa bahay."
"Puwede ko ba siyang bisitahin?"
Lalong dumagundong ang dibdib ni Sebastian. Si Francheska ang isa sa huling tao na ayaw niyang makakaalam ng totoong sitwasyon ng kapatid.
"Ha? Ah-eh, hindi pa puwede."
"Bakit naman? Okay na siya, 'di ba?"
"Oo, ayos na siya pero gusto niyang magpahinga nang mag-isa. Alam mo naman 'yon... pagtulog ang kaligayahan," pagdadahilan ni Sebastian.
Natawa si Francheska at kinurot ang pisngi ni Sebastian. Halos manulus pa ang kanyang labi. "Baliw ka talaga."
"Aray! Masakit 'yon, ha! Baka akala mo..." Hinaplos-haplos ni Sebastian ang kinurot na pisngi.
"Ano? Ha? Anong gagawin mo?" paghahamon ng dalaga.
"Hahalikan kita r'yan, e," wala sa ulirat na saad ni Sebastian.
Bigla silang natigilan pareho sa sinabi ni Sebastian. Nagkatinginan sila at sabay na natawa. Nauna nang nang-iwas ng tingin si Sebastian at napasapo sa bibig. He could feel the heat rising on his ears.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
General Fiction|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...