♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
CHAPTER 24
SELECTION
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
Mulat ngunit walang lakas kumilos si Chess sa kanyang kama. Hindi na ito pumasok sa unibersidad matapos manggaling sa ospital.
It's been hours since she got home and she's been restless. Patuloy na umuulit sa kanyang isipan ang nangyari sa salas ng condo n'ya-- ang pagkawala ng malay ni Sander dahil sa sakit nito.
Hanggang ngayon ay hindi s'ya makapaniwala sa nangyari at natuklasan.
All these times, Sander was fighting a battle and he hid it well. Too well that she never noticed anything.
Ito marahil ang dahilan kung bakit bigla na lamang umamin si Sander ng nararamdaman para sa kanya... dahil sa sakit nito. Pero kung alam n'ya rin ba ito noon pa man, pagbibigyan ba n'ya ang kahilingan ng binata? Parang sinabi na rin n'ya na kaya lamang n'ya ito sasagutin ay dahil sa naaawa s'ya dito.
Niyakap n'ya ng mahigpit ang kumot n'ya.
Ipinikit n'yang muli ang mga mata at humiling na sana makatulog na s'ya at sa kanyang pagmulat ay masabing isang panaginip lamang ang lahat.
Unti-unti na s'yang nakakatulog nang biglang tumunog ang kanyang doorbell. Pakiramdam n'ya ay nagkakamali lamang s'ya sa narinig. Iniikot n'ya ang sarili at inabot ang cellphone.
Alas siete na ng gabi. Pitong oras na ang nakakalipas magmula noong umalis s'ya sa ospital at wala naman s'yang inaasahan na bisita ngayon. Baka imahinasyon lamang n'ya iyon.
Ngunit nagkamali s'ya. Tumunog muli ito senyales na may tao nga sa labas. She hesitatingly stood up from her bed.
Chess felt tired despite not doing anything since going back. She knew it wasn't physically but mentally and emotionally exhaustion.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
Fiction générale|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...