Chapter 10: Retaliation

3K 91 0
                                    


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

CHAPTER 10

RETALIATION

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, nanaig ang isang nakabibinging katahimikan. Napalunok si Sebastian dahil sa kanyang ginawa habang nakatulala pa rin si Chess na animo'y nawala sa kanyang sarili.

Magsasalita pa sana si Sebastian ng kahit anong bagay upang mabaling ang isipan nila pareho sa biglaang naganap ngunit biglang tumunog ang cellphone ng binata na hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat o hindi—sa palagay niya ay ang nauna. Nang masilip niya ang caller ID, it was Dr. Sue.

Tumikhim siya at sumandal sa driver's seat. Umupo rin nang maayos si Chess na iniisip kung totoo nga bang nangyari ang halik na iyon na ilang sandali pa lamang ang nakalilipas.

"Hello?" tipid na bati ni Sebastian.

Hindi niya mabati nang buo ang doktor sapagkat kasama niya si Chess na hindi pa alam ang nangyayari sa kanyang kapatid na si Sander.

Nahihiyang sinilip ni Chess ang kasamang binata na seryoso ang tingin sa harap habang mahigpit ang hawak sa cellphone niya. Parang hindi ito kumportable sa tinanggap na tawag.

"Alright. Thank you. We'll be there shortly," saad ng binata at saka binaba na ang tawag. Tumikhim muli si Sebastian bago humarap sa dalaga. "Iuuwi na kita sa condo mo at saka na lang tayo mag-usap."

"Why? M-may nangyari ba?" She could not help but stutter. Bigla siyang nag-alala para sa kaibigan.

"N-nothing." Sebastian steps on the accelerator and silence filled the car.

Ang sampung minutong biyahe patungo sa condo ni Chess ay parang isang napakatagal na biyahe. Gusto ni Chess na paliparin ang sasakyan dahil sa nakabibinging katahimikan. It felt awkward and she disliked it. It wasn't the usual comfortable feeling she bears being around one of her best friends. 

Huminto ang sasakyan at hindi lumilingon kahit sino man sa kanilang dalawa. Talo pa ang may steep neck. Mukhang nagpapakiramdaman kung may magsasalita. Napabuntong-hinga si Chess bago nagsalita, "Aalis na ako."

Binuksan niya ang pintuan at bumaba na hindi na hinintay pa ang pagsagot ni Sebastian sa kanya. Pagkasara niya ng pintuan ay pinaharurot na ni Sebastian ang sasakyan paalis sa condo ng dalaga.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon