Chapter 12: Acceptance

2.9K 79 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡


CHAPTER 12


ACCEPTANCE


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡


'If it's nothing, don't think about it so much. Because the way you're affected means you feel something towards him.'


Ilang beses nang gumuhit sa isipan ni Chess ang mga salitang binitiwan ni Imelda kamakailan. Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula noong pag-uusap nila sa café.


Kaya't gusto n'yang kumpirmahim kung meron nga ba s'yang nararamdaman para sa binata. Once and for all, she wanted to know. Gusto n'yang kahit papano ay may tanong na matuldukan sa kanyang isipan.


Limang araw na rin kasi nitong iniiwasan sang magkapatid na Sebastian at Sander. Ilang beses na rin itong nakatanggap ng text mula kay Sander at sinasabi lamang n'ya na busy s'ya at sa kasalukuyan ay hindi na lamang n'ya ito sinasagot pa.


Ngunit pagdating kay Sebastian, wala s'yang natanggap kahit isang mensahe. Matapos ng ginawa nito, wala s'yang natatanggap. Napa-iling si Chess sa ideyang pumasok sa isipan. Bakit mukhang naiinis s'yang wala s'yang natanggap na mensahe mula sa binata? That's not her at all.


Inayos ni Chess ang suot n'yang sumbrero at sumilip sa loob ng gym. Ilang beses ba s'yang napapalunok dahil sa pakiramdan na may bumabara sa kanyang lalamunan. She hated the fact that the kiss has been stuck in her mind. At sa lahat ng kaguluhan sa kanyang isipan, kasagutan lamang ang kanyang kailangan. 


Sa mga oras na iyon, alam n'yang patapos na sa paglalaro ang mga myembro ng club. Hindi n'ya alam ang sasabihin kay Sebastian ngunit may nagtutulak sa kanya na magpunta roon.


Mabilis ang pasahan ng bola at takbuhan sa court. Malinaw sa kanyang pandinig ang kiskisan ng mga sapatos sa korte na pinanatiling malinis at makintab. Tagaktak na ang pawis ng mga manlalaro at sunod-sunod ang tilian ng ibang estudyante kahit na nag-eensayo pa lamang ang mga ito.


"Work on that offense!" Hiyaw ng coach nila kasabay ang pagkumpas ng mga braso.


FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon