♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 44
FOR HER
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"YOU'RE ALL HERE," excited na tawag ni Sammy sa mga bagong dating na bisita. "Magandang gabi, yaya Sylvia."
"Magandang gabi, hija. Salamat sa imbitasyon," ani Sylvia sa may bahay.
"Wala po 'yun. Kayo naman," sagot ni Sammy sabay lapit sa kapatid na karga ang kanyang pamangkin.
"Hi Rose, ang cute cute mo naman."
"Thank you, tita pretty!" Humalik ito sa pisngi ng kanyang tita.
"Hope we're not late," nagbeso rin ang magkapatid.
"No. You're just in time," dagdag pa nito. "Kakadating lang din nina kuya."
"Nice. Sina mom?" Naglakad na sila papasok ng mansyon ng mga Perez.
"Kanina pa sila dito. Alam mo naman si mommy, laging maaga sa mga birthday ng mga apo," ngiti ng kapatid.
Kahit nagkaka-edad na ang mga magulang nila, sinisigurado pa rin nina Kyle at Belle na puntahan at bisitahin ang mga anak at apo lalo na kapag may okasyon.
"Si Eman?"
"Yo, kuya panget!" Hindi na nagtaka pa si Sebastian kung sino ang tumawag sa kanya. Si Eman lamang ang nang-aasar ng ganoon sa kanya kahit na twenty-two na siya at sixteen naman si Eman.
"Andyan ka pala, kabute."
"Daddy, what's kabute?"
"It's mushroom, Rose," sagot ni Sebastian.
"So tito Man is mushroom?" Puno na pagtatakang tanong ni Rose sa ama. Tito Man ang tawag nito kay Eman dahil sa iyon ang malinaw sa kanyang pandinig kapag tinatawag ang binata.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
General Fiction|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...