♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 63
ENTWINED
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Hindi pa rin makapaniwala si Chess sa nalaman. Everything was surreal. Posibleng mabuo ang kanyang pinapangarap na pamilya.
At simula noong tumira s'ya sa puder ni Sebastian, it felt more homey. Gaya ng sabi ni Sebastian, ito ang pagkakataon upang mabuo sila. Naisip rin naman ni Chess na sino ba s'ya upang itanggi sa kanilang anak ang isang kumpletong pamilya?
They both grew up with a beautiful family. This time, ang mga anak nila ang priority n'ya na mabigyan ng isang pamilya na masaya at buo.
Nang mapatulog na nila ang mga bata, kabadong sumunod si Chess kay Sebastian. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na magtatabi sila. Pero lagi s'yang kabado kapag matutulog na sila. Ang hindi n'ya lamang mapagtanto ay mas kabado s'ya ngayong gabi.
Parang mas gusto n'yang pumisan muna sa mga anak sa gabing iyon. May sariling silid si Rose samantalang ang isang guest room ay ginawang silid ni Christian. Pinakamalapit sa kwarto nina Sebastian ang silid ni Knight dahil bukod sa ito ang pinakabata ay naisip rin ni Sebastian ang kalagayan nito. Nagpakabit ito ng mga baby monitors sa bawat silid tulugan ng mga bata at may bell naman kay Knight kung may kailangan ito.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Sebastian pagpasok nila ng silid.
"Ahm... Naisip ko kasi na tumulog kasama si Rose for tonight."
Napangisi si Sebastian. Halatang gumagawa ng paraan ang dalaga upang hindi sila magkatabi ngayong gabi. "If you're doing that, then each kid should have someone. Pero hindi mangyayari 'yun. And it's good to give them a little independence kahit sa pagtulog sa sarili nilang bedrooms."
"Okay."
"Chess..."
"Hmm?"
"Are you that nervous with what I said a while ago?" Nakangising tanong ni Sebastian.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
Ficción General|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...