Chapter 3: Solitude

5K 138 7
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 3

SOLITUDE

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

"Sasabay ka ba pauwi?" tanong ni Sebastian kay Francheska.

"Yup. Hinatid n'yo na rin naman ako."

"P-pero may praktis pa kami mamaya," nauutal na sambit ni Sander. Napatingin si Sebastian sa kapatid dahil sa kakaiba nitong inaasal.

"Oo nabanggit n'yo na 'yan. I-message n'yo na lang ako. Magkikita rin naman kami ni Hope mamaya."

Sumilip si Sebastian sa rear mirror. "Hope? Yung president ng photography club?"

Tumango si Francheska. "Yup. May shooting sila para sa monthly magazine ng university natin kaya lang kulang sila sa tao kaya tinawagan niya ako."

"Ikaw ba naman kasi ang hindi sumali ng permanente sa isang club, kaya kahit sino nauutusan ka."

Pinitik ni Francheska and leeg ni Sebastian dahil sa kumento nito. "Correction, hindi ako inutusan. Kusa kong pinili na gawin. Sira ka talaga."

"Sumali ka na kasi. Sayang din talent mo," dagdag ni Sander.

"Sander, okay ka lang ba?" may bahid ng pag-aalala sa tanong ni Francheska sa binata.

"Oo naman. Bakit?"

"You're acting really strange."

"It's nothing."

Tumingin sa labas si Sander dahil umulit sa kanyang isipan ang imahe ni Francheska kanina. The lady from a while ago was someone he has never seen before in all these years that he knew Francheska.

Sumilip muli si Sebastian sa rear mirror at nakatingin si Francheska sa kakambal niya na nag-aalala. Nilingon ni Sebastian ang kapatid at tahimik lamang na nakatingin sa labas.

Dumating na sila sa unibersidad at naghiwa-hiwalay dahil sa iba-iba sila ng kurso. Basketbol at musika lamang ang pinagkapare-pareho nilang hilig. At kagaya noong nakaraan, naglaro muli sina Sebastian at Sander dahil sa may babae na namang naghayag ng kanilang pagkagusto sa binata ngunit maling tao muli ang natukoy ng dalagang kinita nila.

Matapos ang klase at mga dapat gawin, dumeretso na si Francheska sa café katabi ng unibersidad na tambayan nila kapag magkikita na sila. Hindi na nagulat ang dalaga na makita si Sebastian doon at maraming kababaihan na iba-ibang lahi ang tumitingin sa direksyon nito.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon