♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 41:
BACK HOME
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
THE SKY was dark and grim. The breeze was unpleasing to the skin. The white balloons and all the white roses surrounded the place. It just made them remember that they lost someone precious.
They lost Sander Clarence Fuentes. He was gone.
Nai-uwi na nila Kyle at Belle ang katawan ng pumanaw nilang anak. Patuloy ang pag-iyak ni Belle habang nakatitig sa kabaong ng binata. Walang magulang ang naghangad na dalhin ang kanilang supling sa huli nitong hantungan. Walang magulang ang gustong makita na umuna ang kanilang anak sa kanila sa kamatayan.
Bilang mga Fuentes, hindi sila nakatakas sa maraming mapanuring mga mata sa balita. Sa may gate ng sementeryo ay maraming photographer and kumukuha ng litrato sa pribadong mga oras na 'yon. Everyone wanted to get the latest scoop from one of the richest family out there.
Iba't iba ang naging headlines sa balita pero iisa ang mensaheng ipinaparating -- namatay na ang isa sa tagapagmana ng mga Fuentes dahil sa malubhang sakit. Maraming reaksyon tungkol dito. May mga nakikiramay at marami rin ang hindi makapaniwala na ang isa sa pinakamayang pamilya ay walang nagawa para mapagaling ito.
Marami ring spekulasyon na hindi ito prayoridad ng pamilya kaya't ganoon ang kinahinatnan ng binata. Hindi lingid sa iba na hindi rin nabuhay ang panganay nilang kakambal ni Ysiquel. May mga ang naging pinagkaiba sa sinapit ng magkapati ay lumaki si Sander pero babawiin rin sa kanilang pamilya.
Amidst all the chaos, they just requested for peace as they spend the remaining time on Sander's burial. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng pamilya lamang ang pinahintulutan na dumalo sa libing ni Sander.
Nakatayo sa harap ng puntod ang hindi kumpletong pamilya ng binata. Nasa may ulohan ng kabaong sina Kyle at Belle samantalang katabi nito si Sebastian. Nasa may likuran nila si Ysiquel at ang asawa n'ya habang karga ang dalawa nilang supling.
Dapat ay kasama rin nila sina Eman at Crystal ngunit hindi rin maganda ang kalagayan ng dalaga roon. Kinailangan rin sila ng anak doon dahil sa mga naging pagtatangka nito sa sariling buhay sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan ng may sakit na kasintahan.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
General Fiction|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...