Chapter 43: Locked Hearts

2.9K 111 8
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 43


LOCKED HEARTS


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥  


KUMATOK ang dalagang naka-corporate attire bago tumuloy sa kulay puti at itim na opisina. Swabeng naka-upo sa may mesa ang amo na naka-three piece suit at nakasuklay ang lahat ng buhok sa likod nito. Maraming folders ang nakapatong sa kanan ng mesa katabi ang itim na laptop samantalang sa likod ng ginto nitong desk nameplate ay may tatlong picture frames na nakaharap sa binata.


"Sir, here are the files from the finance department," ani ni Danica sa kanyang boss habang mahigpit ang hawak sa iba pang folders. "And these are the files from yesterday's meetings."


"Thank you. Inform Mr. Hennessey that I cannot accept the schedule he wants. He has to go with the schedule initially arranged if he wants to have his proposal heard," ma-awtoridad na saad ni Sebastian habang nagbubuklat ng mga papeles. "These are also completed. Scan and send to the relevant parties."


"Understood, sir. Did you want another cup of coffee?"


"No. That will be all, Danica."


"No worries, sir. Please excuse me," at lumabas na ang sekretarya.


Tumunog ang cellphone ni Sebastian at kinuha n'ya ito. Isang mensahe mula sa kanyang kapatid na si Sammy.


'It's your goddaughter's birthday. Make sure you come to our house by six. Everyone is coming.'


Tiningnan n'ya ang orasan at mag-alas-tres na ng hapon. May tatlong oras pa s'ya para magtrabaho. Magpapabili na lang s'ya ng regalo sa sekretarya ngayon.


Pinindot ni Sebastian ang intercom. "Danica," his deep voice called.


"Yes, sir?"


"Kindly buy me a present for a two year old girl now."


"Alright, sir. I'll head out."


FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon