♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 53
DADDY
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Nagmulat ng mata si Chess dahil ramdam n'ya ang malalim na paghinga sa likuran n'ya.
Isang pares ng mga braso ang nakayakap sa kanyang bewang na animo'y takot s'yang mawala dito. Sinilip n'ya kung sino ang humihinga na iyon at agad na nakilala na si Sebastian ang kasama n'ya!
Dali-daling tiningnan ni Chess ang katawan at nakahinga s'ya ng malalim dahil suot n'ya ang damit at walang kakaibang nararamdaman ang kahit anong bahagi ng kanyang katawan.
Nothing happened.
She breathe a sigh of relief.
Ngunit bakit nasa kama s'ya? Ang alam n'ya ay sa sofa s' y a nakatulog kagabi. Ibig sabihin ba nito ay inilipat s'ya ni Sebastian mula sa sofa patungo sa kama? That must be it. Wala na s'yang makita pang paraan dahil sila lamang naman ni Sebastian ang tao roon.
Sa kanyang pagtingin sa may paanan nila ay may isang babae na nakatayo doon at nakatingin sa kanya.
Panandalian na nakita n'ya si Knight doon pero mali s'ya. Isang batang babae ang nakatayo roon. Maikli ang wavy nitong buhok at may pagka-meztisa ang hitsura. Pink na pink rin ang suot nitong damit at may suot rin na headband na may ribbon sa gitna. Mukha itong manika.
Biglang kumabog ang dibdib ni Chess.
Kaharap n'ya si Rose -- ang anak n'ya.
"Rose..."
Kumunot ang noo ng bata. "Who are you?! Why you sleeping with my daddy?!"
At her age, Chess was surprised that she could squeak fine english words already. Hindi man tama ang grammar, malinaw pa rin ang kanyang mga salita.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
General Fiction|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...