Chapter 18: Thoughts

2.4K 77 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 18


THOUGHTS


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Kaharap ang kanyang mga aklat, malalim ang iniisip ni Chess. Hawak sa kanang kamay ang bolpen at ginugurihan na lamang n'ya ang kapirasong papel sa ilalim nito. Hindi s'ya makapag-pokus sa pagbabasa. Sa halip na ang kanyang pag-aaral ay lumilipad ang kanyang isipan.


Magsisimula na kasi ang final exams nila at napakaimportante na maipasa nila ang mga ito dahil kinakailangang pasado ang final exams nila upang pumasa sila sa units na kinukuha nila. Bukod pa rito, kapwa gustong makuha nina Chess at Imelda ang isang scholarship program sa United Kingdom. Kung makukuha ni Chess iyon, paniguradong titigilan na rin s'ya ng mga magulang na umuwi sa Espanya upang maging isang modelo at designer. It's just not her field at all.

 

Malinaw pa rin sa kanyang alaala noong nakita n'ya si Sebastian na may kasamang magandang babae. Napapa-isip si Chess kung iyon nga ba ang kasintahan ni Sebastian. At kung iyon man, bakit s'ya hinalikan ni Sebastian noon? Why did he kiss her?


Napasapo sa noo si Chess. Naglalakbay na naman ang kanyang isipan.


Humarap s'yang muli sa kanyang libro at pilit binabasa ang mga nakasulat rito ngunit wala talagang pumapasok sa kanyang isipan. She's too damn pre-occupied.


Why is she focusing too much on Sebastian and the mystery girl? Hindi ba dapat kay Sander na n'ya inilalaan ang kanyang isip? Si Sander ang manliligaw n'ya at hindi si Sebastian!


"What's wrong with you? Caught a bug or something?" Tanong ni Imelda sabay upo sa bakante silya sa harapan n'ya. Inilapag rin nito ang dalang kape na binili sa labas ng unibersidad at maging ang bitbit na bag sa sahig.


"Hey, Imelda. You're late," ani Chess.


FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon