Salamat kay JheysaMaria sa pagta-translate. Mwaaah! 😁
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 29
QUITS
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"Haaaay! Nakarating din!" Sambit ni Sebastian habang nag-iinat ng katawan.
"Gusto mo ba ng maiinom, Sander?" Narinig ni Sebastian ang mahinang pagtatanong na 'yon ni Chess sa kakambal.
"I'm okay. Don't worry."
"Teka, bibili lang ako ng tubig. Ubos na ang dala natin, e. Kailangan mo pang uminom ng gamot mamaya," ani Chess.
"Sasamahan na kita."
"Hindi na. Ang lapit lang ng vending machine," pagturo ni Chess sa isang vending machine na may higit limampung hakbang mula sa kanilang kinatatayuan.
"Ako na ang bibili."
"Sander, h'wag makulit," ani Chess sa kasintahan at naglakad na.
Higit limang oras din ang byahe nila bago nakarating ng SAF Ferry Terminal, ang dadaungan upang makarating sa Tekong Island kung saan naka-assign si Sebastian.
"Seb," pagtawag ni Sander.
"What?"
"Salamat talaga."
Kumunot ang noo ni Sebastian. "Para saan naman?"
"Sa paggawa nito. Alam kong sakripisyo din na ma-involve sa ganito. I mean, puwede ko naman nga na aminin kina mom at dad ang sakit ko para hindi na ko mapasali sa military service pero... pumayag ka na itago ito mula sa kanila."
"Ano ka ba, Sander? Syempre papayag ako. Pareho ang takbo ng utak natin sa mga ganitong bagay kaya nakakasigurado ako na kapag sa 'kin nangyari ito, you'll agree to do the same shit for me," may halong pang-aasar sa sagot ni Sebastian.
BINABASA MO ANG
FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]
General Fiction|UNDER REVISION| THE WATTYS 2018 SHORTLIST Unbeknownst to a carefree girl, two brothers play one last game with their hearts at stake. *** Fuentes' brothers, Sebastian and Sander, are both studying in Singapore with future plans of helping the famil...