It Started With A Game

408 6 0
                                    

Celest's POV:

Naalala ko pa ang unang beses na nagkaroon ako ng espesyal na pagtingin kay Kaloy, grade two palang kame non, mahina na ang resistensya ko simula pa noon kaya hindi ako masyadong nasali sa mga kaklase ko pag naglalaro sila, pero pinilit ako ng isa kong kaklase na makipaglaro ng habulan at dahil sa takot kong masabihan ng ‘KJ’ eh pumayag na lamang ako. Dahil nga sa lumaki akong lampa at mabagal, nataya agad ako at sa kasamaang palad ngumudngod pa ang muka ko sa damuhan.

Rinig na rinig ko ang tawanan ng aking mga kaklase. Mangiyakngiyak na ako pero nung tinaas ko ang aking tingin may nakita akong kamay na nakalahad sa harapan ko. At nung tiningnan ko kung sino yon para ba akong nakakita ng anghel. May isang batang lalaking nakangiti sa akin na para bang nagliliwanag ang paligid niya. Binigay ko sa kanya ang kamay ko at tsaka niya ako itinayo.

“Hi, ako nga pala si Kaloy!”

Kaloy... simula noong araw na iyon ang pangalan niya na ang naging pinaka paborito kong salita sa lahat, sunod sa pagkain. Hehe. Lagi na kaming magkasama ni Kaloy pagkatapos non; tuwing recess, lunch, at uwian. Lagi din kaming magkatabi ng upuan hanggang sa maging grade six kami. Naging malapit ang loob naming ni Kaloy sa isa’t isa. Pareho din kami ng pinasukang Junior High School. Sa kasamaang palad, hindi kami naging magkaklase ni Kaloy hanggang sa maging grade nine kami.

Binabati bati pa naman niya ako pag nagkakasalubong kami sa campus. Pero hindi na kami katulad ng dati na magkasama halos lagi. Naging sikat na din kasi si Kaloy pagpasok namin ng Junior High School. Hindi na ako nagtataka kase gwapo naman talaga siya at may ibubuga. Pero lalo lamang itong naging sikat nung natanggap siya sa varsity ng basketball sa school namin. Halos hindi ko na nga siya malapitan dahil laging may nakapalibot sa kanyang mga co-players niya at magagandang cheerleaders.

Masaya naman ako para kay Kaloy kase alam ko namang hilig niya talagang maglaro ng basketball. Pero mas lalo kong nararamdaman na magkaiba kame ng mundo. Nakarating na siya sa pinaka mataas samantalang ako nandito pa rin kung saan niya ako naiwanan.

Naglalakad lang ako ng naglalakad habang nagrereminiscence ng mga memories naming ni Kaloy nang biglang may bumatok sakin ng pagkalakas lakas. Akala ko matatanggal na ulo ko!

“Margaux Celeste!”

“Ay, Kaloy!”

“Anong Kaloy ka dyan?! Nagdadaydream ka nanaman tungkol kay Carlo, ano? Move on na, friend! Hello? 20XX na!” Hays! Sa sobrang pag iisip ko kay Kaloy nakalimutan ko nang kasama ko si Sab. Simula nung hindi na kame nagiging magkaklase ni Kaloy, si Sab na ang tumayong best friend ko.

“Hindi naman ganon kadali yon, Sab.”

Nakita kong sumiring sakin si Sab at nag cross arms pa. Ang taray talaga nitong babaeng ‘to kahit kelan. “Pano mo naman malalaman eh hindi mo pa nga natatry, hello?”

“Habang may buhay may pag-asa!” sabi ko with matching hand gestures pa with feelings.

“Loka! Patayin na kaya kita like now na?” napailing iling nalang kay Sab. Napaka frank nya talaga kahit kelan. Hindi niya gusto para sakin si Kaloy, kesyo magkaibang mundo daw kame at yung mga tipo daw ni Kaloy yung hindi marunong makuntento sa isang babae. I don’t think so naman, madaming nalilink kay Kaloy na mga babae pero wala pang nacoconfirm na naging girlfriend niya.

Pumunta kami ni Sab sa may cafeteria at umupo agad sa favourite spot naming na malapit sa malaking glass window kung saan kitang kita ang boardwalk at field sa labas ng campus.

“Sis, order lang ako. Ano sayo?” kinuha lang ni Sab ang wallet sa bag niya at tumayo na din agad.

“Burger and fries nalang.” Inabot ko sa kanya ang pera ko at umalis na siya para mag punta sa counter. Sumandal ako sa upuan at tiningnan ang picture naming ni Kaloy nung grade school graduation sa wallet ko. Kelan kaya ulit kami magkakasama ng ganito ni Kaloy?

“Have you heard?”

“What?”

“The basketball team is looking for a new manager na daw. I overheard kay coach Andrew at coach Arvin kanina sa faculty. Magtatransfer na daw kase ng school overseas yung manager nila before.”

“Oh em gee! Talaga? Apply kaya tayo?”

Automatic akong napalingon sa dalawang nag-uusap sa likuran ko. Dalawang cheerleaders.

“Totoo ba yon?”

Mukang nagulat sila nung bigla akong nagsalita at nagtinginan pa ang dalawang bruha.

“Mute ba kayo? Tinatanong ko kayo! Totoo ba yon?” hindi na makapagsalita ang dalawa dahil mukang nasa in state of shock pa sila at basta nalang nag nod.

Wala na akong inaksayang oras. Tumakbo agad ako papuntang faculty para kausapin yung coach ng basketball team. Eto na ang chance kong makasama ulit si Kaloy! Hindi ko na palalampasin to! Mamaya pa eh maunahan ako ng iba dyan. Alam kong madaming gustong makasama ang varsity team ng school namin!

Hinihingal na ako at paiwsan nung makarating sa faculty pero wala akong pake! Walang katok katok pumasok ako sa faculty at hinanap agad si Sir Andrew.

“Miss Jimenez, what seems to be the problem?” tanong ni Sir Andrew habang nakataas na ang paa sa lamesa at prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Hinawakan ko si Sir sa magkabilang balikat at tinitigan ng eye to eye.

“Sir, gusto kong maging manager ng basketball team!”

Napuno ang buong faculty room ng katahimikan. Pagkalipas ng ilang segundo biglang tumawa si Sir Andrew ng pagkalakas lakas. Eh?

“Do you know what you are talking about Miss Jimenez? Do you think isang laro lang ang pagiging manager ng basketball team? Isang malaking responsibilidad yon...”

“Sir, I know what I’m talking about po and I know na isang malaking responsibilidad din yon! Sir, gusto ko po talagang gawin to! Promise po I’ll do my best!” sabi ko habang nagpapuppy eyes at pinagdidikit ang mga palad na parang nagpepray kay Sir.

Napakamot nalang ng ulo si Sir. “Miss Jimenez...”

“Sir, please reconsider naman po!” nagbow pa ako sa harapan ni Sir. Sana effective!

“Okay, okay! Kung ganyan ka kadeterminadong maging manager ng team then I think it’s a good thing.”

Napaangat ang tingin ko kay Sir na kasalukuyang naglalaro na ng flappy bird sa kanyang cellphone. “Talaga po, Sir? Tanggap na ako?”

“Yes. Pero ipapaalala ko lang sayo na hindi basta basta ang basketball team natin...” hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Sir at niyakap na agad siya. “Thank you Sir!”

“Teka, Miss Jimenez! Wag mo akong yakapin!” agad akong kumalas sa yakap ko kay Sir at nag peace sign. “Hehe. Sorry po. Nadala lang ng emosyon.”

Umiling-iling nalang si Sir Andrew. “As I was saying... hindi basta basta ang basketball team natin...”

Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni Sir kase super duper saya ko like omg. Makakasama ko na ulit si Kaloy my loves! Maaabutan ko na siya ng tubig during practice at games! I can’t wait!

“Miss Jimenez, nakikinig ka ba?” para naman akong nabuhusan ng malamig ng tubig ng magsalita na ulit si Sir.

“Yes po!”

“Good. Report tomorrow sa gym first thing in the morning, understand?”

“Yes po!” I said with matching salute pa! Kaloy my loves, wait for me!

Itutuloy ...

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon