3rd Person's POV:
Nagtataka ang lahat ng members ng Belizaire Basketball Team kung bakit biglang nagpatawag ng emergency meeting ang kanilang Coach Andrew nang Sabado. "Buti naman at nandito kayong lahat." sabi sa kanila ni Coach Andrew pagkadating na pagkadating nito. Kasama niya ang kanilang manager na si Celest.
Nagtama nanaman ang mga mata ni Celest at Azetrex. Ngunit katulad ng lagi nitong ginagawa, unang nag-iwas ng tingin ang binata. "What's all this about, coach?" naiinip na tanong ni Rex na nakapamulsang nakatingin sa coach nila.
"Bakit ka nagmamadali, Mendoza?" tanong dito ni Coach Andrew habang may isinusulat sa kanyang notebook. "Baka may date?" tila nang-aasar na banat sa ni Carlo habang nakangisi pa sa kanya. Lalo naman itong ikinaasar ni Rex pero mas minabuti na lamang niyang huwag patulad ang kateam mate.
Nakapansin naman ang kakambal nitong si Dex na may tensyon nanamang namumuo sa dalawa kaya agad itong pumagitna sa dalawa at parehong inakbayan. "So, coach. What's the catch?" pacool nitong tanong.
"Magkakaroon tayo ng training camp. Or should I say, survival camp."
"What?! For what?! Is that even necessary?!" Nabbwisit na reklamo ni Rex. Ayaw nito sa ideya. Hindi siya yung tipo na mahilig sa mga outdoor trips at long drives. Mas gugustuhin pa niyang manatili na lamang sa kanilang bahay.
"Bakit ba ang dami mong reklamo, Mendoza? Kung ayaw mo sumama edi wag. Hindi ka naman kawalan samin." sabi ni Carlo na ikinagulat ng lahat.
"Kanina ka pa, Rivera! Pinagpapasensyahan lang kita ha!" hindi na nakapagtimpi pa si Rex. Sinugod na nito si Carlo at kinuwelyuhan. Sinusubukan siyang pigilan ng iba pero ayaw nito papigil. "Bitawan niyo nga ako!" sigaw nito sa mga ito. "Anong bang pinagmamalaki mo ha?! Yang pagiging team captain mo?! Bullsht!" nanggigigil nitong sigaw kay Carlo.
"Oo, bakit? Ikaw? Ano bang pinagmamalaki mo? Eh sa pang-aagaw ng girlfriend ng may girlfriend ka lang naman magaling eh!"
Napangiti nalang ng mapait si Rex sa sinabi nito sa kanya. "Ah! Yan pa rin ba ako ipinuputok ng butsi mo, Rivera? Tanggapin mo na kasing hindi ka kagusto gusto kaya ipinagpalit ka ng girlfriend mo!"
"Gago!" akmang susuntukin na sana ni Carlo si Rex nang pumito ng malakas si coach Andrew. "RIVERA! MENDOZA! TIGILAN NIYO NGA YAN!" hindi na itinuloy ni Carlo ang panununtok sa kanya at lumuwag na rin ang pagkakahawak sa kanya ni Rex. Agad namang inilayo ng iba nilang kateam mates sila sa isa't isa.
"Yan! Yan ang dahilan kung bakit napag desisyunan kong magkaroon tayo ng training camp! Akala niyo ba hindi ko napapansin?! Baka sakaling mabalik ang team work niyo sa gagawin kong ito! Nung game natin kontra sa Winston High, nagsasapawan kayong dalawa sa ring! Oo, sabihin na nating nanalo nga tayo nung game na 'yon pero paano na sa mga susunod na laro?! Isa kayong team! Hindi niyo dapat hayaang masira lang ng isang babae 'yon!" galit na litanya ni Coach Andrew. Tahimik lang namang nakikinig ang bawat member ng team. Pati si Celset ay tahimik lang na nakayuko sa tabi ni coach.
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...