Chapter Sixteen : Commitee Members

85 3 0
                                    

 

 

 

 

Celest's POV:

 

Nakakainis talaga, nakakainis. As in nakakainis talaga! Gusto ko sumigaw sa sobrang inis ko! Pano ba naman nawala lang ako ng isang araw puro kalokohan na ang ginawa ng mga kaklase ko. Ganito kasi ang nangyari, nagtanong daw yung homeroom teacher aka adviser namin kung sino gusto maging committee member dahil this Wednesday to Friday na gaganapin ang school festival namin slash foundation day. Alam niyo 'yon? Yung may mga booths and rides?

 

So ayun nga, madaming obligasyon ang committee members. Sila ang nag-aayos ng buong event, katuwang sila ng student council. Eh alam niyo naman na class 4-F ako, di ba? Wala sa mga kaklase ko ang gustong tumanggap ng obligasyon. Kaya in the end, dahil absent ako at walang kalaban laban, pangalan ko ang ibinigay nila sa adviser namin.

 

Tinry ko naman mag back-out kaya lang sabi nang adviser namin bawal na since napasa na nila ang listahan ng mga commitee members sa principal. Kaya ngayon, eto ako, naglalakad papunta sa paggaganapan ng meeting ng student council at committee members. God, kung nakakapagpasabog lang ang sama ng loob kanina pa nagkalat ang internal organs ko dito. Ugh!

 

Kumatok ako sa pintuan ng classroom na pagmimeeting-an namin. "Pasok." pag bukas ko ng pintuan nagulat ako nang mukha ni Dexter ang bumungad sa'kin. "Oh, manager! Committee member ka ba?" masiglang bati nito sa'kin. "Oo. Ikaw din?" tanong ko sa kanya.

 

Tumaas naman ang kilay ko nang bigla itong tumawa ng sobrang lakas. Nakahawak pa ito sa tyan niya. Baliw talaga. "Sang lupalop ka ba nanggaling, Celest? Ako ang Student Council president. Aren't you aware of that?" Student Council president? Di ko ata alam yon ah. Well, wala naman kasi akong pakialam sa mga organizations sa school. Tsaka hindi ko ineexpect na magiging president siya. Akala ko kasi puro babae lang inaatupag nito. Di ba playboy nga 'to?

 

"Di ko kasi ineexpect." nakapoker face kong sagot sa kanya. Tumawa ulit ito tapos inakbayan ako. "Ang hilig mo talaga mag joke, Manager." seryoso kaya ako! "Celest, dito ka na umupo sa tabi ko!" agad naman nagliwanag ang mukha ko nang makita si Bree na nakaupo sa bandang unahan, agad kong tinanggal ang pagkakaakbay sa'kin ni Dexter at umupo sa tabi niya.

 

"Kompleto na ba tayo?" tanong ni Dex sa lahat. "Hindi pa, president. Wala pa yung representative ng class niyo." sabi nung babaeng nakasalamin na makapal na I think secretary nila. Napakamot naman ng ulo si Dex. "Aish.Yung lalaking 'yon talaga. Wait for me here." tapos nagmamadali itong lumabas ng room.

 

"I'm so glad you're here, Celest! I didn't expect you to be here!" masiglang sabi ni Bree ni habang yakap yakap ako. "Ako nga din, Bree eh." I said tapos napakamot nalang ako sa ulo. Buti nalang nandito si Bree kundi baka kanina pa ako naglupasay dito.

 

Medyo matagal ding nawala si Dex. Maya maya pa'y biglang nagbukas ng malakas ang pintuan kaya lahat kami napatingin. Nakita namin si Dexter na parang may ...kinakaladkad papasok? "G-oddamn it, pumasok ka na!"

 

"Ayoko sabi dito eh!" nanlaki ang mata ko nang marealize na si Rex pala ang kinakaladkad nito papasok. Committee member din pala siya?

 

In the end nahigit siya papasok ni Dex ng room tapos isinara agad ang pintuan. Minura muna nito ang kakambal bago tuluyang mag give in sa gusto nitong mangyari. Isinalampak na lamang nito ang sarili sa upuan at itinaas ang paa sa arm chair. Napasapo nalang sa noo si Dexter. "Okay, so, kumpleto na tayo." pumwesto ulit siya sa harapan namin at sinimulan nang ipaliwanag ang kailangan naming gawin.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon