Chapter One : Miss Manager

156 4 0
                                    

Celest's POV:

Sa sobrang excited kong makita si Kaloy halos hindi na ako nakatulog ng maayos. Maaga din akong gumising para maghanda ng lunch, dalawang lunch! Isa sa’kin tapos isa para kay Kaloy kase sigurado akong may practice sila maghapon ngayon at magutom ang my loves ko! Malapit na rin kase ang basketball season kaya puspusan ang training nila.

“Anak, bakit ang aga mong magising?” lumapit sakin si mama at tiningnan ang niluluto ko. “Nagluluto ka? Himala. Para kanino yan, anak? Para sa’kin ba?”

“Para sa’tin ma! Tsaka kay Kaloy!” sabi ko na medyo kinikilig kilig pa.

“Kaloy? Yung kaklase mo nung elementary? Close pa ba kayo non?” tanong ni mama habang tinitikman yung sushi na ginawa ko. Favorite kase ni Kaloy yun eh.

“Oo naman, ma! Close na close!” sabi ko kay mama habang pinapakita sa daliri ko kung gaano kame kaclose (pointing finger at middle finger). Nag nod nalang si mama na para bang hindi kumbinsido.

“Bahala ka nga dyan, ma! Pinaghain na po kita. Papasok na ako sa school.” Kinuha ko na yung dalawang lunch box na hinanda ko at inilagay sa bag ko. Humalik ako kay mama at dali daling nagpunta sa pintuan. Mahirap na, baka sa first meeting ko pa sa basketball team ako malate.

“Sige, ingat ka anak!”

Pagdating ko sa school marami rami na ang pumapasok. Agad agad akong dumiretso sa gym sa takot na baka malate ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nung nakita kong hindi pa nagsstart ang meeting ng basketball team kase hindi pa naman dumarating lahat ng players ng team. Wala padin si Kaloy my loves. Lumapit agad ako kay Coach.

“Good morning po Sir!” napatingin naman sakin si coach at ngumiti.

“Good morning Miss Jimenez. You are right on time, I’m about to start the meeting.” Tumayo na si coah sa pagkakaupo sa bleachers at tinawag na ang mga players.

“Boys, kaya ako nagpatawag ng meeting ngayong umaga eh para ipakilala sa inyo ang bagong manager ng team natin. Miss Jimenez, kindly introduce yourself.”

Bigla naman akong inatake ng hiya. Uso pa pala sakin yon. Nagbow nalang ako at nagsimula nang magsalita. “Ah...eh... hi. Ako nga pala si Margaux Celeste Jimenez. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko para tulungan ang team!” tahimik lang ang buong basketball team. Patay. Siguro ayaw nila sa’kin. Wala na akong ibang choice kung hindi tumakbo pag bilang ko ng tatlo para maisalba ang sarili ko mula sa kahihiyan. Eto na! 1,2,3...!

“Ang cute mo naman! Guys, tingnan nyo, ang cute ng manager natin!” automatic akong napatingin sa lalaking umakbay sa’kin. Oh my god! Ang tangkad! Hanggang balikat niya lang ako!

Agad namang nagsilapitan ang ibang members ng team sa’kin at tinanong ako ng kung anu ano.

“Anong nickname mo?”

“Saang class ka? Parang ngayon lang kita nakita dito ha.”

“May boyfriend ka na ba?”

Napangiti naman ako. Akala ko hindi nila ako papansinin at susupladuhan nalang. Mababait naman pala sila. Siguro nga maeenjoy ko ang pagiging manager ng basketball team.

“Paapply apply kang manager, may alam ka ba sa basketball?” agad akong napatingin sa lalaking nagtanong sa’kin non. Nakita kong nakasandal siya sa may pader malapit sa bleachers habang nakapamulsa. May kulay ang buhok niya at may hiwa pa sa kilay. Mukha palang niya halata nang mayabang!

Sasagot n asana ako kaya lang naunahan nanaman ako ni Mr. Yabang! “Siguro kaya ka nag volunteer maging manager naming kase may sinisimuyan ka sa team, no?”

Pano niya nalaman?! Hindi dapat nila makita ang motibo ko dito! “Ang yabang mo naman! Ano bang alam mo?!” lumapit ako sa kanya at pinagtaasan ko ng kilay.

“Eh ano pa bang ibang dahilan? Ano bang alam niyong mga babae sa basketball?” sasagot pa sana ako kaso pumagitna sa amin yung lalaking umakbay sakin kanina.

“Bro! Wag naman natin awayin si manager!” hindi na nagsalita si Mr. Yabang at tumalikod nalang. Tumabi siya don sa isa pang player na nakaupo lang sa may bleachers at nagbabasa ng libro.

“Pag pasensyahan mo na kapatid ko, manager. Ganon lang talaga yon magsalita pero gwapo’t mabait din naman yon tulad ko. Ha ha!” sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Ah, so kapatid niya pala si Mr. Yabang ha?

“Asan si Rivera?” tanong ni Coach. Rivera? Si Kaloy yon, di ba? Oo nga pala! Nakalimutan kong hindi pa pala dumadating si Kaloy my loves! Bwisit na Mr. Yabang kase yon eh!

“Andito na coach!” napalingon ako sa may nagmamay ari ng mala-anghel na boses na iyon. Nakita ko siyang papalapit samin habang nakangiti ng pagkatamis tamis.

“Late ka nanaman, Rivera!”

“Sorry coach. Napasarap tulog ko eh.” Napatingin sakin si Kaloy at mukang nagulat dahil nakita niya akong nandito. “Celest!” Agad siyang lumapit sa akin at yumakap. Heaven! Napapikit nalang ako ng mata sa sobrang sarap sa feeling!

Kumalas na siya sa yakap naming at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Anong ginagawa mo dito?” nakangiti niyang tanong sa’kin.

“Siya ang bago nating manager, Carlo. Magkakilala kayo?” sagot nung lalaking kapatid ni Mr. Yabang.

“Best friend ko siya, Dex.” Turn ko namang ngumiti sa sagot ni Kaloy. Kiniconsider parin pala niya akong best friend!

“So, pwede ko bang ligawan si best friend mo Carlo?” umiling iling si Kaloy at inakbayan ako.

“Hindi ka pasado sakin.”

“Para naman tayong walang pinagsamahan, friend!” nagtawanan ang buong team. Mukhang mage enjoy ata ako sa pagiging manager nila ha.

“Tss. Una na ako, coach. Walang kwenta naman pala ang dahilan ng meeting na ‘to eh.” Lahat kame napatingin kay Mr. Yabang na kasalukuyang kinuha ang bag niya habang pinapadaanan ako ng masasamang tingin. Anong bang problema ng isang ‘to?

“Bro, intayin mo ‘ko!” sumunod naman sa kanya yung kapatid niya at yung katabi niya kanina.

“Ah, dismissed muna tayo ngayon! Bumalik kayo dito after recess! Magsstart na ang training natin dahil malapit na ang eliminations!”

“Yes, coach!” sabay sabay nilang sagot.

“Miss Jimenez, be sure to make a schedule for our practices this month. Ichecheck ko yan mamaya sa practice, understand?”

“Yes, coach!”

“Good.” Umalis na rin si coach. Kame nalang ni Kaloy ang naiwan dito sa gym.

“Celest, pagpasensyahan mo na si Rex. Ganon lang talaga yun, hindi marunong makipag socialize.”

“Ah...eh... wala naman sa’kin yon.” Kinuha ni Kaloy sa’kin ang bag ko at nagsimula nang maglakad. Oh myyyy! Si Kaloy buhat buhat ang bag ko! Never ko nang lalabhan yon! Ever!

“Parehas tayo ng building, di ba? Hatid na kita. Okay lang ba?” Tatanggi pa ba ako sa biyaya, hello? Syempre game na game ako dyan! Kahit magpaikot ikot pa kame sa buong campus basta ikaw ang may bitbit ng bag ko, game na game ako!

“Okay lang.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ma inlove ka sa ngiti ko, please!

Itutuloy ...

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon