Celest's POV:
Isang araw na ang lumipas mula nung nangyari ang insidente. Simula noon hindi ko na nakausap ng maayos si Mr. Yabang, or should I say hindi ko na talaga siya nakakausap. Yes, nagkikita at nagkakasalubong pa rin kami, nagkakasama din kami tuwing training nila pero hindi na niya ako pinapansin. Para bang hindi niya ako nakikita o kakilala. Mukhang ayos nanaman sila ng kapatid niya dahil nag-uusap na ulit silang dalawa.
Pero sila ni Kaloy hindi pa nagiging okay. Hindi pa rin sila nag-uusap at may tensyon na namamagitan sa kanila tuwing nasa loob sila ng court. Panay pati ang bato ng masasamang tingin nila sa isa't isa.
Si Maddie naman hindi pa rin daw pumapasok ayon kay Kaloy. Nagiging close na ulit kami ni Kaloy nitong nakaraang araw. Pero hindi ko magawang maging super duper happy sa nangyayari kasi alam kong sa likod ng mga ngiti niya ay lubos pa rin siyang nasasaktan. Minsan nga pag magkasama kami bigla nalang siyang maiiyak. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Mahal na mahal niya talaga si Maddie. Sana kasi ako nalang.
Exams na namin next week. Kaya wala munang practice ngayon ang basketball team. Puro review lang kami. Pero joke lang 'yon. Tinatamad pa akong mag-aral. Sa weekends nalang ako magrereview. Nagdodrawing lang ako ng kung anu ano sa notebook ko para kunware nagrereview ako.
Biglang pumasok ang matandang hukluban na teacher namin at pumunta sa unahan. "Class, I have some announcements to make ..." baka may idadagdag sa pointers. "For the first time in our campus, magkakaroon ng review partners ang bawat isang studyante na magmumula sa ibang sections. Isa itong program na ipinatupad para i-enhance ang friendship at socializing skills ng mga students ng Belizaire. At ang napiling section na makakapartner ng ating section ay ang class 4-A." sabi ko na nga ba ...WHAT?! REVIEW PARTNERS?! MULA SA 4-A?!
"Omg! Ma'am sa'kin niyo po i-partner si Azetrex!"
"Loka! Sa'kin niyo i-partner si Rex, ma'am!"
"Akin po si Dex!"
"Okay na sa'kin si Maddie, ma'am!"
Mukha naman excited ang mga kaklase ko dito. Kaso ako hindi ko magawang ma-excite kahit na section yon nila Kaloy kasi may posibilidad ding si Rex ang maka partner ko or worse si Maddie. Ugh! "Nakalagay dito ang mga pangalan ng mga students sa class 4-A ..." sabi ni Ma'am habang ipinapakita ang isang fish bowl na may laman na mga nakarolyong papel. "Kung kaninong pangalan ang mabubunot niya siya ang magiging review partner niyo."
Nagsitakbuhan na ang mga kaklase ko papunta sa unahan. Ako naman nagpahuli na lamang. Baka sakaling may ibang makabunot kay Rex at Maddie. "Sis, ano bang tinutunganga mo dyan? Let's go!" sabi sa'kin ni Sab sabay hila papunta sa iba.
Huli na kaming bubunot ni Sab. "Mauna ka na, Sab." bumunot na siya kaya kinuha ko na rin ang huling rolyo ng papel sa bowl. "Huh? Sino 'tong Kevin Cortez? Di ko siya knowing!" Kinakabahan ako. Sinu sino 'tong sa'kin? Dahan dahan kong binuksan habang dinadasalan ang lahat ng santo na sana wag pangalan ni Rex o si Maddie ang laman nitong papel na'to.
Natigilan ako nung mabasa kung kaninong pangalan ang nabunot ko. Rainier Cristobal.
-
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ko nabunot si Dex or Maddie o malulungkot dahil hindi rin naman si Kaloy ang napili ko. Pero okay na din siguro na pangalan ni Rain ang nakuha ko. Di ba siya ang top 1 sa batch namin? Sigurado akong matutulungan niya akong makabawi sa exams ngayon.
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa library kasi dito kami nakatokang mag review ngayon kasama ang class 4-A. Pagpasok ko sa lib, agad bumungad sa'kin ang ibang mga kaklase ko kasama ang mga review partners nila. Hinanap ko kung nasan si Rain at nakita ko siya sa pinaka sulok. Halos hindi na nga siya makita eh. Mukhang busy siya sa pagtetext kaya dahan dahan akong umupo sa upuan sa tapat niya. Ayoko naman makaistorbo baka mamaya may kausap pala siya sa text.
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...