Chapter Three : Date (?)

164 4 0
                                    

Celest's POV:

Buong gabi ko ‘tong pinag-isipan at ngayon determinado na akong gawin ‘to! I’ve decided na susundan ko si Kaloy sa date niya! Hindi naman ako manggugulo, sisiguraduhin ko lang na hindi magkakapoints si Parrot Girl kay Kaloy my loves!

Maaga akong pumunta sa mall at umupo sa table na pinakamalapit sa entrance ng Starbucks. Nakasuot ako ng malaking shades at tinakpan ang muka ko ng scarf. Mahirap na baka mamukaan ako ni Kaloy!

Halos dalawang oras na akong nag-iintay dito at malapit na rin maubos ang pera ko kaka-order ng kape. Bakit kase ang mahal ng kape dito eh! Seven pesos nga lang ang Nescafe 3-in-1 eh! Nung magtatatlong oras na ako dito, tsaka palang dumating si Kaloy. Ang gwapo gwapo niya sa kanyang polo shirt na navy blue, kulang nalang himatayin ako dito!

Hindi naman matagal nung dumating na din si Parrot Girl na akala mo eh aattend ng party dahil todo ayos ang loka! Naka floral dress siya at high heels at mukang nagpaparlor pa! Napaghahalataang may pagnanasa kay Kaloy my loves!

“Hi, Carlo. Kanina ka pa ba dito?” obvious ba? Nakaupo na nga siya oh.

“Hindi naman. Kadadating ko lang din. You look good, as always.” Sabi ni Kaloy habang inaalalayan pa siya papunta sa seat niya. Sana ako nalang ‘yon!

Tinanggal ko muna saglit ang shades ko at pinanuod ang pag-uusap nung dalawa. Mukang close na close na talaga sila no? Hay. Ang lucky naman ni Parrot Girl.

“Hoy, babaeng malaki ang bunganga. Anong ginagawa mo dyan?” nagulat naman ako nung may tumawag sa’kin. Oh no! Hindi pde ‘to! Hindi pdeng may makakilala sa’kin! Agad agad kong sinuot yung shades ko at hinarang yung scarf sa muka ko. Umupo na rin ako ng maayos.

“Si-sino ka?” tinry ko din ibahin ang boses ko. Sana effective!

“Ginagago mo ba ako?” nakilala ko na kung kanino yung boses na ‘yon! Yan lang ang natatanging boses na nakakapagpainit ng ulo! Hinila niya yung scarf ko kaya napalapit ang muka ko sa muka niya.

“Gago ka na talaga!” tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin.

“Rex? Celest?” automatic akong napatingin sa tumawag sa’min at nagulat ako nung makita kong nasa harapan na naming si Kaloy my loves at si Parrot Girl na nakahawak pa talaga sa braso ng mahal ko!!

Tiningnan ko ‘tong siraulo kong katabi na kasalukuyang nakangisi nanaman nang nakakaloko. Ano nanamang iniisip nito? Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong sa’kin. “Sinusundan mo sila, ‘no?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Hindi pde ‘tooo!!!

“Anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo magkasama?” naguguluhang tanong ni Kaloy.

Nilagay ni Mr. Yabang ang kamay niya sa kanyang bulsa at nagsimulang magpaliwanag. “Alam mo kase, dude. Etong babaeng ‘to, sinusundan...” hindi ko na siya pinatapos mag salita ang isinubo na ang scarf ko sa bibig niya. Baka kung anong katarantaduhan nanaman kase ang sabihin nito at maniwala si Kaloy! (Pero totoo naman talaga kase!)

“Ah...eh... nagdedate kame!”

“ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO?!” –Kaloy, Parrot Girl, at Mr. Yabang

Agad namang tinanggal ni Mr. Yabang ang isinuksok ko sa kanyang scarf ay hinila ako sa isang sulok at nanggagalaiti akong kinausap. “Ano bang kagaguhan ang pinagsasasabe mo dyan babaeng malaki ang bunganga? Hindi ka ba kinikilabutan sa sinabi mo? Ikaw at ako magdedate?! Hoy kahit sa panaginip mo imposibleng mangyare yon!”

“Shhh!” nilagay ko yung pointing finger ko sa bibig niya para matahimik siya. Baka marinig kame nila Kaloy eh. “Hinaan mo naman boses mo baka marinig nila tayo. Akala mo ba gusto ko din makipagdate sa isang naglalakad na cotton candy na katulad mo? Sumakay ka nalang muna.”

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon